CHAPTER 10: Other Side Of The Story

744 18 0
                                    

Hindi maalis ni Zyer ang tingin  niya sa pangalan ng malaking building.

"Mall Of Humble Z".

Ang tagal lang bago niya natupad 'to. Ang makapagpatayo ng branch ng mall, dito sa Quezon City.

Seven years nang successful ang mall business niya sa Baguio. And this time, balak niyang dito naman ipakilala ang Humble Z.

Napatayo knitaang mall business na 'to, without the help of his parents. And he's very proud of himself for making it posible.

Isang buwan rin kasi siyang nakulong nun sa Baguio, bago mapatunayan na wala siyang kasalanan.

Mabuti na lang at magaling na abogado ang tumulong sa kanya.

Hindi niya pa na-meet ang taong yun. Ang kanyang ina lang kasi ang nakakausap ng mga abogado. And besides, ayaw rin kasi ng mga itong magpakilala. Hindi rin niya alam kung bakit.

Nung makalaya siya sa kulungan, at nalaman ng kanyang ama na hindi totoo ang paratang sa kanya, ay nagkaayos rin sila kaagad.

Mabuti at sa Baguio City siya nakulong. Hindi na kumalat ang issue na 'to sa social media. Hindi siya kilala ng mga tao dun, kaya walang may pakialam sa kanya.

Kun'di, hindi niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap sa mga tao, ngayong nandito na ulit siya sa QC.

Nung time na lugmok na lugmok siya, akala niya mababaliw na siya nang tuluyan. Buti na lang nandiyan ang kanyang ina. Palagi siya nitong sinusuportahan, hanggang sa nakabangon siya.

Blessings in disguise na rin siguro ang nangyaring pagkakakulong niya noon.

Dahil dun, natuto ang kanyang ina, na huwag nang maging waldas sa pera. Hindi na rin ito nagsusugal simula nung makulong siya. Nadala na rin kasi ito. Walang-wala kasi itong magawa para tulungan siya nun.

Nagtrabaho rin siya nun bilang manager sa isang sikat na department store sa Baguio. Nakaipon naman siya ng pera kaagad.

Dahil hindi naman mahirap ang pamilya nila, sarili niya lang talaga ang ginagastusan niya nun. Kaya naman mas madalas, nagtitipid siya. Hindi naman din kasi siya talaga maluho.

Minsan kapag day-off niya nun, nagi-extra siya sa Montino's park bilang driver ng golf cart. Sinasahuran rin siya dito ng kanyang ama.

Buti na lang din nandun siya sa Baguio nun. Hindi siya nakakapag-clubbing. Wala na ring mga tukso na sexy'ng babae sa buhay niya. Alam kasi niyang iyon talaga ang kahinaan niya. Kaya naman mas napabilis ang pag-iipon niya.

Sa loob ng limang taon, nakapundar na siya ng sarili niyang villa at mall sa Baguio. At ngayong natupad niya na rin ang pangarap niyang magkaroon ng sariling negosyo, mayroon na siyang maipagmamalaki na mga bagay na sa kanya talaga. 

Hindi na ito sa kanyang ina, at hindi rin pagmamay-ari ng kanyang ama. Kun'di sa kanya na.

Nakompleto niya na ang mga pangarap niya. Pero pakiramdam niya, meron pa rin talagang kulang.

SAMANTALA, NAGMAMADALI NAMANG umalis si Farrah, bitbit ang mga papeles na kailangan ni Dra. Nervantes, habang hawak niya naman sa kabilang kamay niya si Zye.

Si Zye ay anak ni Farrah. Siyam na taong gulang na ito, at napakagwapong bata.

"Anak bilisan natin, baka ma-late na naman tayo sa appointment ni Dra. Nervantes," sabi niya, habang lakad-takbo ang ginawa nilang mag-ina, pababa sa building kung saan nakapuwesto ang private clinic ni Doktora.

Dito kasi sila natutulog sa clinic ni Doktora.

Matagal na siyang nagta-trabaho dito bilang assistant ni doktora sa clinic. Isa kasi itong OB-gyne, at may edad na rin kaya kailangan na niya talaga ng katuwang. Ito rin ang dahilan, kung bakit hindi ito maiwan-iwan ni Farrah.

This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon