Chapter 4
Pag-gising ni Zyer ay sunod-sunod na ang mga na-recieve niyang mga bash ng mga ka-batch nila nung college.
"ZYER MONTINO, BABAERO!"
"Farrah Dhane Legazpi, malandi!"
"Zyer! 'di ka na nga mayaman, babaero ka pa!"
"Panibagong biktima na naman ni Zyer. Good luck girl!"
Natatawa na lang siya sa mga nababasa niya sa mga comment. Kanina pa siya nagi-scroll sa fb.
As long as hindi madadawit ang life background niya, at ang mga business ng mga magulang niya, walang problema sa kanya.
Wala ng ibang makikita sa newsfeed niya kun'di ang mga memes tungkol sa kanila ni Farrah.
Kahit pa puro below the belt na ang sinasabi ng mga bashers tungkol sa scandal nila ni Farrah, parang wala na lang sa kanya. Ang pinaka iniisip niya kasi ngayon ay si Farrah.
Kahapon pa nagmi-missed call sa kanya ang iba niya pang mga nobya. Lalo na si Celine. Galit na galit ito kay Farrah. Siguradong napanood na nito ang video nila ni Farrah sa club na nag-trending.
Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip.
Buti na lang pala yung naghahalikan lang nila na video ang kumalat, hindi yung nasa bathroom sila. Kun'di mas grabe yun.Nagbabasa-basa lang siya ng mga comment, hanggang sa biglang may nag-message sa kanya sa messenger.
"Hindi pa ako tapos sa'yong g*go ka!"
'Yan ang message sa kanya, ng isang fb user na walang profile pic. At may pangalan ito na, Facebook User.
Alam na kaagad ni Zyer, na si Travis yun. Kaya naman hindi na siya masiyadong natakot.
Mayamaya pa ay biglang may tumawag sa kanya na number lang.
Napaismid lang siya. "Ano ba ang akala ni Travis? Na matatakot ako sa kanya?" bulong niya sa sarili.
Ano naman ang dapat niyang ikatakot? Sa isip niya, ay natulog lang naman si Travis kagabi sa suntukan nila sa club.
Sinagot niya ang tawag. Pero parang bigla siyang nagising nang marinig niya ang boses ng nasa kabilang linya.
"Hello Zyer? Anong gagawin ko ngayon? Galit na galit na sa'kin si Tito Jackson," boses ito ni Farrah.
Parang namamaos pa ito na tila paiyak na.
Napakunot noo lang ang binata.
"Tingin niya ba pagkatapos ng mga nangyari, makikipagkita pa ako sa kan'ya?" sabi niya sa isip niya."Busy ako," sagot niya sa kabilang linya, at saka ito binabaan ng tawag.
"D*mn it! Kanino naman kaya niya nakuha ang number ko?" tanong niya sa sarili.
Napailing na lang siya nang maisip niya si Angeline. Baka kay Angeline nito nakuha.
Mayamaya ay nag-ring ulit ang cellphone niya. Sinagot niya ulit.
"Please Zyer, mag-usap tayo!" nakikiusap na boses ni Farrah sa kabilang linya.
Medyo nakaramdam si Zyer ng awa, pero kapag naaalala niyang engaged na si Farrah, hindi niya mapigilan ang sarili niya na magselos. Ngunit dini-deny niyang nagseselos siya. Ang buong akala niya ay galit lang siya kay Farrah.
"Zyer, I need you right now, please?" sabi nito sa kabilang linya.
"Busy nga ako! 'Di ka ba nakakaintindi?" sagot ni Zyer, sa kunwaring galit na tono.
BINABASA MO ANG
This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨
RomanceZyer Montino, is excellent in enticing a woman to warm his bed. But he avoids loving a woman like it's an incurable disease. Iniisip kasi niyang ang mga babae ay pera lang ang habol sa mga lalaki. Farrah Dhane Legazpi, is a friendly woman with a ki...