CHAPTER 18: Payback Time

1K 20 0
                                    

Chapter 18

First time lang ni Zyer ma-guity nang ganito. Siguro kasi dahil alam niya na ngayon ang totoo. Na itong babaeng nasa harapan niya, yung babaeng nasaktan niya, emotionally, and even physically. Itong babaeng 'to, wala itong kasalanan sa kanya.

Napaisip tuloy siya kung bakit hindi niya kaagad inalam ang totoo? Sana pala yun ang pinagkaabalahan niya noon pa. Sana pala, pinaglaanan niya ng pera yun noon pa. Ang alamin ang totoong nangyari.

"Hmm?" Umingos si Farrah at tumagilid nang higa. At ngayon ay nakaharap na ito sa direksyon ni Zyer. Muli na naman itong humikbi.

Napakunot-noo si Zyer. Nilapitan niya ang dalaga at umupo siya sa tabi nito. "Shhh. . ." He caressed her head, with his gentle touch. Na para bang natatakot siyang mabasag na naman niya ang napaka-gentle na si Farrah. Palagi lang kasi itong nakasimangot sa tuwing nasasaktan niya. Kahit pa masisigawan niya, ay mahinahon pa rin itong magsalita.

Sa lahat ng mga fragile na bagay na merong haalaga, si Farrah ang nakalimutan niyang ingatan.

Kaya naman labis ang pagsisisi niya ngayon. "Farrah?" He whispered her name. He feels so stupid for treating her like a worthless.

"Farrah, gising ka ba?" tanong niya, sa mahinahon na tono.

Mas lalong humikbi si Farrah. Hindi ito sumasagot, ngunit alam na kaagad ni Zyer, na gising ang dalaga, at umiiyak lamang ito, habang nakapikit ang mga mata.

Parang kinukurot ang puso niya na makita si Farrah sa gamitong kalagayan. Lalo pa ngayong alam na niya ang totoo, hindi niya mapigilang mainis sa sarili. "Farrah?" He caressed her hair, and kiss her forehead.

Mukhang gumamit ang dalaga ng bathroom, naaamoy kasi niya ang shampoo niya sa buhok ng dalaga.

He take off the duvet that covering Farrah's body, and he saw her naked.

Napamura na lamang siya. Kaya pala balot na balot sa kumot ang dalaga. Dahil wala pala itong suot na damit kahit isa.

Kaagad niyang binalot ulit ang kumot kay Farrah, at saka niyakap ng mahigpit ang dalaga. Nagsimula na naman ulit itong humikbi-hikbi.

"Shh. . . I'm sorry, okay? I'm sorry," sabi niya.

Nakapikit lang ito, habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha. Parang kinukurot naman ang puso ni Zyer, habang nakatingin lang kay Farrah.

Biglang dumilat ang dalaga, at malungkot na tumingin kay Zyer. "Zyer, sorry na kasi. . . Hindi ko naman ginusto na iwan ka e," Umiiyak niyang sabi.

Parang tinutusok ang puso ni Zyer nang marinig si Farrah.

Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak habang nakatingin sa kanya. "Si Zye. . . Alam kong siya na lang ang dahilan kung bakit ka pa lumalapit sa 'kin-"

"Shhhh!" Tinakpan kaagad ni Zyer ang bibig ng dalaga. "Huwag mo nang sabihin 'yan," sabi niya, sabay yakap sa dalaga.

Inalis naman ni Farrah ang pagkakayakap sa kanya ni Zyer. "Zyer, sorry na kasi-"

"Shhh!" Muli niyang niyakap ang dalaga. "'Wag ka na munang magsalita, Farrah," utos ni Zyer, habang napipikit at pinipigil na 'wag pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Hindi na niya matanggap ang labis na pagsisisi niya, dahil sa mga nagawa niyang kasalanan kay Farrah.

"Wala akong kasalanan talaga, maniwala ka sa 'kin," dagdag pa ng dalaga.

Napabuntong-hininga lamang si Zyer, habang nakayakap kay Farrah. Hinalikan niya ulit sa ulo ang dalaga.
"I know. . ." sabi niya.

He caressed her head, and showered her with kisses on her cheeks.

This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon