Chapter 12Nagising si Farrah na nakahiga sa loob ng kwarto ni Zyer. Lumabas kasi kagabi ang binata, matapos nang may mangyari sa kanila.
Hanggang ngayon, nagtatampo si Farrah kay Zyer. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil sa nangyari kagabi?
Hindi niya talaga alam. Basta lang na naiinis siya ngayon. Binitin kasi siya ni Zyer kagabi.
Bumangon na si Farrah sa higaan at napansin niyang iba na ang suot niyang damit.
Red t-shirt ito ni Zyer. Napunit kasi ng binata ang blouse niya kagabi, kaya dapat lang na pahiramin siya nito. Niligpit niya na ang higaan at lumabas na sa kwarto.
Paglabas niya sa kwarto, dahan-dahan na siyang pumunta sa kusina. Habang papalapit siya ay natatakam na siya sa amoy ng niluluto mula sa kusina.
Naabutan niya si Zyer at Zye, na kumakain sa malaking dining table na gawa sa itim na marmol.
Tulad pa rin si Zyer ng dati. Hindi ganun karami ang gamit nito, pero lahat ng meron siya, may quality, at siguradong tatagal.
Lumingon sa kanya si Zye, habang si Zyer, ay parang walang nakikita.
"Mommy, look! Nagluto si daddy ng hotcake for me," nakangiting wika ng anak niya.
Huminga siya nang malalim, at pekeng ngumiti.
Masakit sa parte ni Farrah ang pakikitungo sa kanya ni Zyer. Pero kapag nakikita niya kung gaano kasaya ang anak niya na kasama ang ama nito, hindi niya mapigilan ang magpaka-selfless.
Hangga't kaya niyang tiisin, ilalaban niya 'to. Alam niyang balang araw ay matutunan rin siyang ng mahalin ni Zyer.
Lumapit siya sa mag-ama at hinawakan sa ulo ang anak niya. "Very good naman ang baby ko, kumakain na ng breakfast," sabi niya.
Madalas kasi wala itong ganang kumain sa umaga.
"Mom, I told you stop calling me like that. I'm not a baby anymore!" sagot naman ng anak niya.
Natigilan naman si Zyer, at napatingin kay Zye. Tapos ay binalik niya ulit ang tingin kay Farrah. "Yeah, he's not a baby anymore. Stop calling him like that again," sabi niya, sabay tingin sa damit na suot ng dalaga. Tumikhim siya. "Bagay sa'yo," dagdag pa niya.
Hindi naman mapigilang mapangiti ni Farrah. "Thank you," sabi niya.
Hindi naman sumagot si Zyer. Tumayo lang ito sa upuan at pumunta sa kitchen's countertop kung saan nakalagay ang malaking microwave. May kinuha ito sa loob nun. Isang bagong baked na lasagna.
Bigla namang natakam si Farrah, nang bigla siyang nakaramdam ng gutom.
Matagal na rin simula nang huli siyang kumain ng lasagna. Nine years na yata ang lumipas.
Pabirito niya kasi ito. kaya nung makita niya yun, bigla na lang siyang humila ng upuan at umupo sa katapat na upuan na inuupuan kanina ni Zyer.
Narinig niyang mahinang tumawa si Zyer. Tapos nilapag nito sa harapan niya ang bagong baked na lasagna.
Napapalunok na lang si Farrah sa sobrang pagkatakam. Pero nahihiya siyang tumayo para kumuha ng platito, at tinidor. Tapos nakaamoy pa siya ng brewed coffee mula sa coffee maker na nakapatong sa mesa.
The smell of cheese and mooshy meat sauce, tickling her salivary gland.
Tumikhim si Zyer, kaya nagising siya mula sa pagkakatitig niya sa umuusok-usok na lasagna.
"I'll have a visitor today. Kaya walang gagalaw ng lasagna, hangga't hindi ko sinasabi," sabi ng binata.
Parang nag-rumble-rumble bigla ang vibrate ng tiyan ni Farrah. Pakiramdam niya sy para siyang tinu-torture. Tumango lang siya at tumingin sa kinakain ni Zye.
BINABASA MO ANG
This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨
RomanceZyer Montino, is excellent in enticing a woman to warm his bed. But he avoids loving a woman like it's an incurable disease. Iniisip kasi niyang ang mga babae ay pera lang ang habol sa mga lalaki. Farrah Dhane Legazpi, is a friendly woman with a ki...