CHAPTER 13: Feeling Left Out

671 14 0
                                    

Chapter 13

KANINA PA KINAKABAHAN si Farrah, kung sino ang importanteng tao ang tinutukoy ni Zyer. At ngayong nalaman niya na kung sino ito, hinihiling niyang, sana hindi niya na lang pala nalaman.

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Kilala niya kasi kung sino ang babaeng ito. Si Celine. Hindi niya mapigilan ang  inis sa tuwing naiisip niya ang kasalanan ng babaeng ito. Da kanya, at kay Zyer.
Siya yun!

Napakunot noo siya at napatingin sa batang babae na kasama ni Celine. Nasa age na 9 or 10 ang edad ng bata.

"Farrah, this is Celine, and this is our. . ." Nag-iwas nang tingin sa kan'ya si Zyer. "Our daughter, Bhambi," sabi niya.

Tila nag-init bigla ang sulok ng mga mata ni Farrah sa mga narinig niya. "A—Anak niyo? M—May anak kayo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Kung siya lang, wala siyang pakialam kung ilan pa ang kahati niya sa atensyon ni Zyer. Unti-unti na niyang natatanggap na hindi na siya sapat sa binata. Noon pa man ay kilala na itong babaero, kaya hindi na siya magtataka kung sakaling magkaanak pa ito sa iba. Ang tanging iniisip lamang niya ay ang damdamin ng anak niya.

Hindi niya kayang masaktan si Zye, katulad sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

At mas lalong hindi niya kaya na ang babaeng kahati niya ay si Celine. Hindi alam ni Zyer, kung gaano kasama ang babaeng ito.

Pagkatapos ng mga ginawa nitong kasalanan kay Zyer, pagkatapos nitong nakawan si Zyer, Nakipagsabwatan pa ito kay Travis. Pagkatapos ng lahat ng yun, nandito siya na parang walang nangyari?

Tumingin si Farrah nang masama kay Celine. "Anong ginagawa mo rito? Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa dito—"

"Farrah!" Pagputol ni Zyer sa mga sinasabi niya.  Tiningnan siya nito nang masama. "Dito muna titira si Celine," sabi nito.

Parang  binuhusan ng malamig na tubig si Farrah sa tinuran ni Zyer.

Umiling siya kaagad. "No! Zyer you can't do that!" sabi niya, na siyang ikinakunot naman ng noo ng binata.

Iniisip lang naman ni Farrah ang anak niya. Siguradong kapag nalaman ito ni Zye, na may ibang pamilya pa ang kanyang ama, sigurado siyang masasaktan ito ng sobra. At hindi siya papayag na mangyari yun.

Tinitigan niya nang masama si Zyer, bago niya ito talikuran. Walang kahit anong salita siyang binanggit. Nagmadali siyang nagtungo sa kwarto, kung nasaan si Zye. Pagpasok niya ay kaagad rin niyang sinarado at ni-lock ang pinto.

"Mom, what's happened?" tanong ni Zye, nang makita ang kanyang ina nagmamadaling pumasok sa kwarto niya.

"Anak! Let's  go home. Aalis na tayo!" sabi niya.

"Why mommy? Iiwan natin si Daddy dito?" malungkot na tanong ni Zye.

Hindi na napigilan ni Farrah ay pumatak na ang mga luha niya. "Anak I'm sorry. I thought he was your dad," sabi niya. Ito na lang ang tanging dahilan na naisip niya.

Bumaba sa kama si Zye, at nakasimangot na lumapit sa kanyang ina. Hinawakan niya ang kamay nito. "So, what do you mean mom? He's not really my dad?" tanong niya.

Bago pa man makasagot si Farrah, ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nakaslimutan niyang nasa condo sila ni Zyer. May susi pala itong hawak, kahit i-lock niya ang pintuan ng kwarto.

Biglang yumakap sa kanya si Zye. "Mommy are we going to leave now? Let's go!" sabi niya, nang makitang mabigat ang ekspresyon at mga titig ni Zyer sa kanyang ina.

This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon