Chapter 20
This time, he will be gentle, and more caring towards her.
He knows she was feeling frail last time. And he's so stupid for not treating her right.Hindi maiwasan ni Zyer na mapasulyap kay Farrah, habang nakaupo ang dalaga sa passenger seat, at seryosong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.
Mukhang malalim ang iniisip nito. Marahil ay pinuproblema na naman nito ang panglilibre ni Zyer sa kanya kanina. Muli na naman siyang nakaramdam ng awa para sa dalaga.
Tumikhim siya. "About pala dun sa mga nilibre ko, 'wag mo na isipin yun ah. Alam mo wala lang naman sa 'kin yun e," sabi niya.She looked at him with a blank emotion. "T—Talaga?" wala sa sarili niyang tanong.
Tumango si Zyer. “Yeah. Kaya 'wag ka na masiyadong mag-isip diyan, huh?” sabi niya.
Binalik ni Farrah ang tingin sa labas ng bintana, at nanatiling nakasimangot. “Yung sa Private Haven Hotel, it's almost half in a million ang price nun,” sabi niya.
Sinabi kasi ni Zyer sa mga receptionist na presyuhan pa rin nila kung ilang oras nag-stay dun si Farrah. Kahit na ang totoo, private ang room na tinulugan nila nun. Si Zyer lang talaga ang puwedeng pumasok dun. Ngunit mula ngayon, pati si Farrah ay puwede na ring magpabalik-balik dun.
Tumawa lang si Zyer sa tinuran ni Farrah. “Kung ikaw ang magbabayad, may pangbayad ka ba?” nanunudyo niyang tanong.
Nag-aalinlangan namang tumango si Farrah. “Meron naman. Pero uutangin ko pa sa iba ang kulang. 'Di ko naman alam na ginto pala ang presyuhan dun!” seryoso niyang sagot.
Natawa ulit si Zyer. “Dont bother yourself, Farrah. I owned that sh*t,” natatawa niyang sabi.
Nagtatakang lumingon sa kanya si Farrah. “Seryoso ba?” tanong niya.
Tumango si Zyer. “Bago pa lang naman yun. Kahapon ko lang siya ni-launch," sabi niya.
Tumango-tango si Farrah. “Hindi nabanggit ni doktora sa 'kin eh. Yung. . . Mall of Humbel Z? sa'yo rin?” tanong niya.
Tumango si Zyer. "Yeah! Why?" tanong niya.
Umirap si Farrah at muling napasimangot. “Bakit mo naman ako tinaboy dun last week? Grabe ka!” panunumbat niya.
Muli na namang gumapang ang pagka-guilty sa sistema ni Zyer. "You know what? Sampalin mo na lang ako bigla kapag may maalala ka. 'Wag mo na isumbat sa'kin, kasi guilty'ng-guilty na talaga ako. At saka. . . Galit ako nun, kaya ko nagawa sa 'yo yun," sabi niya.
Napaismid si Farrah. "Bakit kasi hindi mo na lang ako patawarin eh, para sana tapos na—"
"No Farrah," Nilingon siya Zyer. "I'm sorry. Ako ang dapat na patawarin mo," sabi niya.
Nagtatakang tumingin si Farrah kay Zyer, kaagad namang binalik ng binata ang tingin sa daanan. "Alam ko na ang totoo, Farrah. I'm sorry, hindi ko kaagad nalaman 'to," sabi niya.
Nakita niya sa peripheral vision niya na nakatingin pa rin sa kanya si Farrah. "Totoo? Tungkol saan?" tanong niya.
Huminga nang malalim si Zyer. "Na wala kang kinalaman sa pagkakakulong ko," sabi niya.
Napakunot noo si Farrah. "What?! N—Nakulong ka?" tanong niya.
Sa pagkakatanong ng dalaga, mas lalong napatunayan ni Zyer, na wala talaga itong kinalaman sa nangyari sa kanya. Kaya naman sobra-sobrang inis at pagsisisi ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to.
Tumango siya, at napabuntong-hininga. "Nakulong ako sa Baguio, Farrah. . ." sabi niya.
Tila naghalohalo ang mga katanungan sa isipan ni Farrah, nang marinig ang sinabi ni Zyer. "Ano?!" Kinunutan niya ng noo ang binata. "B—Bakit? Bakit 'di mo kaagad sinabi? Anong nangyari, bakit ka nakulong?" nag-aalalang tanong ng dalaga.
BINABASA MO ANG
This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨
RomanceZyer Montino, is excellent in enticing a woman to warm his bed. But he avoids loving a woman like it's an incurable disease. Iniisip kasi niyang ang mga babae ay pera lang ang habol sa mga lalaki. Farrah Dhane Legazpi, is a friendly woman with a ki...