CHAPTER 24: Friend

768 18 0
                                    

Chapter 24

Pumasok na si Zyer sa loob ng abandoned building. Nakita niya kasi na nakaalis na si Danilo sa abandunadong gusali. Sinundan na rin ito ni Fortaleza, at ng mga kasama nitong bodyguard.

Habang papasok sa gusali si Zyer, halos hindi niya masikmura ang dumi at amoy ng lugar. Dahil dito, napapaisip tuloy siya. How come na nakayanang mag-stay rito ni Danilo? At hindi niya matanggap na dito pa talaga dinala ng pinsan niya si Zye.

Pagpasok pa lang kasi ni Zyer sa lugar, sobrang lansa na ng amoy na sumalubong sa kanya. Amoy basura na nabubulok, na parang amoy ihi na rin.

Yung mga pader sa loob ng gusali, ay may mga vandalism na hindi niya maintindihan kung ano ang meaning.

Pag-akyat niya, nakita niyang may mga armadong lalaki na mga nakaupo sa isang parte ng lugar. Busy silang apat sa pag-iinuman.

Nagtago kaagad si Zyer sa pader upang hindi siya makita ng mga armadong lalaki. Nagtataka lang siya kung bakit parang pamilyar sa kanya ang mga lalaking yun?

Saglit siyang napaisip, at nang maalala niya kung saan niya nakita ang mga ito, biglang nag-init ang ulo niya.

Isa kasi ang mga lalaking ito, sa mga pulis na rumesponde nun sa clinic ni doktora.

Ibig sabihin ay mga kasabwat pala ang mga ito, ni Danilo.

Napakuyom na lang si Zyer ng kamao, dahil sa inis habang nakikinig sa usapan ng apat.

"Yung doktora, humihinga pa ba yun?" sabi nung isang lalaki.

Tumawa lang ang tatlo nitong kasama. "Si Danilo na ang bahala dun! Siya naman ang may gawa nun e!" sabat naman nung isa pa. At nagtawanan ulit silang apat.

Tila gumapang ang inis sa sistema ni Zyer dahil sa mga narinig niya.

Tila gusto na niyang sugurin at saktan ang apat na armadong lalaki, ngunit hindi siya puwedeng basta-bastang susugod lang.

Apat ang mga ito, at may mga armas. Wala siyang laban kung sakali. Tanging magagawa niya na lang sa ngayon, ay i-text ang ilan sa mga bodyguard niya na nasa labas ng gusali.

He needs back up. Kaya nagpatawag na rin siya ng mga pulis sa kalapit na barangay. Saktong pag-send naman niya ng message, ay biglang may narinig siyang putok ng baril sa labas.

"Ano yun? Maghanda kayo!" sigaw ng isa sa mga armadong lalaki, At nagsitayuan na sila mula sa pag-iinuman. Upang siguro ay tingnan kung ano ang nangyari sa labas.

Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng hagdan, at hinintay na makadaan ang apat na lalaking nag-iinuman. Nagmamadali silang lumabas, upang tingnan kung saan nanggaling ang putok ng baril na nilikha ng isa sa mga bodyguard ni Zyer.

Nang makalabas na sila ay mabilis siyang umakyat. Nilibot niya nang tingin ang buong second floor, ngunit wala dun ang anak niya. Umakyat naman siya sa 3rd floor, at dun niya na tuluyang nakita ang anak niya na nakagapos ang mga paa at kamay, habang nakatali ang katawan nito sa sandalan ng mismong inuupuan nito.

Halos madurog ang puso ni Zyer, nang makita niya si Zye sa ganoong kalagayan. Nakatakip pa ng duct tape ang bibig nito, at may mga sugat pa sa gilid ng noo habang natutulog.

Napamura na lamang siya sa kanyang isipan. At halos hindi na niya alam kung saan niya sisimulan ang paghihiganti para sa kanyang anak.

Kaagad niyang nilapitan si Zye, upang alisin sa pagkakatali nito. Una niyang inalis ang duct tape sa bibig nito.

This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon