Chapter 28
"Anak, nalulungkot talaga ako," nakasimangot na sabi ng ina ni Zyer, habang nakasakay sila sa golf cart papunta sa Villa na pagmamay-ari rin ni Zyer.
Gusto lang itong ipakita ni Zyer, kay Farrahat Zye. Upang malaman din ng mag-ina niya, na meron pa siyang ganitong ari-arian.
Silang apat lang ang aalis ngayon. Ang ama kasi ni Zyer, ay nagpaiwan sa hacienda. Marami raw kasing trabaho na gagawin dun sa mango farm.
Lumingon si Zyer sa nagtatampo niyang ina. "Bakit naman, ma?" tanong niya, at saka binalik ang tingin sa daanan.
Nasa likod nakapuwesto ni Zye at ang ginang. Habang sila ni Farrah naman, ay sa driving seat ng golf cart. Si Zyer ang nag-drive, since apat na tao lang ang puwedeng isakay nito.
Bumuntong hininga ang ina ni Zyer.
“Hindi ko man lang naalagaan kasi ang apo ko. Hindi ko man lang nakita nung baby pa siya,” sabi niya.Natawa lang si Zyer. “Ma, ang importante yung ngayon,” sagot niya.
Kahit rin naman kasi si Zyer, ay nanghihinayang sa mga panahong lumipas lang. Hindi rin naman kasi niya nasubaybayan ang paglaki ng anak niya. Ni hindi niya nga nakitang nagbuntis at nanganak si Farrah. Kaya nga ginagawa niya na lang ngayon ang lahat, upang makabawi siya sa kanyang mag-ina.
“Katuwaan lang ng mga lola na maalagaan ang kanilang mga apo, habang sanggol pa ang mga ito,” saad ng ina ni Zyer.
Napangisi si Zyer, at saka lumingon kay Farrah. “Paano ba 'yan, Love?” sabi niya habang nanunudyong nakangisi.
Farrah, gave him an arch look. “Anong love ka diyan!” sabi niya sabay irap.
Napahalakhak si Zyer. “Love naman kita ah. Bakit? Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo? Love, Honey, mine, wife, ano?” tanong niya habang patawa-tawang nagda-drive.
Nagpigil naman nang tawa si Farrah. “Kalokohan mo talaga!” sabi niya, sabay hampas sa balikat ni Zyer.
Napailing naman si Zyer, at hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa kanyang labi. “Parang 'di mo 'ko tinawag na hon, kahapon ah!” sabi niya.
Napairap si Farrah. “Hmp!” Naghalukipkip siya. “Kinilig ka naman?” Masungit niyang tanong.
Tumawa ulit si Zyer. “Siyempre naman!” Sinulyapan niya ulit ang dalaga, at ngayon ay namumula na ang mga pisngi nito.
Napangiti nang palihim si Zyer. “Nagtatampo daw si mama oh!” sabi niya.
Hindi naman sumasagot si Farrah.
“Oo. Nagtatampo talaga ako. Parang gusto ko ulit magkaroon ng bagong apo,” dagdag naman ng ina ni Zyer.
Tumawa lang ulit si Zyer, habang si Farrah naman ay hindi ma-explain ang naging reaksyon, dahil sa tinuran ng ginang.
“Me too mommy, I want a baby sister!” sabat naman ni Zye mula sa likurang upuan ni Farrah.
Napalingon sa kanya si Farrah. “Quiet!” pabulong niyang sabi, ngunit may kasamang gigil at pandidilat ng mata ang kanyang ekspresyon.
Tumawa-tawa lang si Zyer. “Okay son, mamaya bibigyan ka namin ng mommy mo ng kapatid!” nanunudyo niyang sabi.
Tumawa lang ang ina ni Zyer, at marahang hinampas sa likod ang binata. “Loko ka talaga! Baka mamaya maniwala sa'yo si Farrah!” sabi niya.
Napaismid naman si Zyer. “Eh akala ko ba gusto niyo ng bagong apo, ma?” tanong niya.
“Oo nga! Pero hindi naman ako nagmamadali e. Kung kailan kayo papalarin, okay lang. Masaya pa rin naman ako dito sa apo ko na 'to, na mini Zyer Montino,” Niyakap niya si Zye. “Kamukhang-kamukha talaga ng ama! Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Zye,” sabi niya.
BINABASA MO ANG
This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨
RomanceZyer Montino, is excellent in enticing a woman to warm his bed. But he avoids loving a woman like it's an incurable disease. Iniisip kasi niyang ang mga babae ay pera lang ang habol sa mga lalaki. Farrah Dhane Legazpi, is a friendly woman with a ki...