17

5.4K 147 27
                                    

LUNA

Andito ako ngayon sa parking lot para hintayin si Ms. Mariano, patago tago pa ako kanina para hindi ako makita ng mga kaibigan ko. baka gawan na naman ng issue kapag nakita nilang kasama ko si Ms. Mariano

"Avy."

"Anak ni pokwang!" Tili ko dahil sa biglang nagsalita sa likod ko

Paglingon ko sa likuran ko ay bumungad sa akin ang mukha ni ate na walang kabuhay buhay, Naalala kong hindi pala ako nag punta kanina sa detention room kasi sa library akong tumambay

"What are you doing here? You should go home now." She said in cold voice, Wala namang bago

"M-may hinihintay kasi ako ate." Sabi ko at pilit na ngumiti

"Who?" Taas kilay niyang tanong, napalunok naman ako.

Parang si ate na rin kasi ang tumayong nanay ko dahil sa wala rin naman pake sa akin si mommy, kaya nung umalis siya sa mansion lagi akong nagkukulong sa kwarto kapag walang pasok

"W-wala ate, uuwi napo ba kayo?" Pag-iiba ko sa usapan

Baka mahambalos pa ako kapag sinabi kong si Ms. Mariano ang hinihintay ko

"Hahatid na kita, It's getting late" She said at nauna ng naglakad kaya agad ko siyang pinigilan

"Hindi na ate, Uuwi rin naman po ako e." Pagkumbinsi ko sa kanya

"No, let's go."

Napahinga na lang ako ng malalim ng mauna na siyang pumasok ng sasakyan, malalagot talaga ako nito kay Ms. Mariano

"Ate, kailan po kayo babalik sa mansion?" Pagbasag ko sa katahimikan

Parehas sila ni kuya na tahimik, Minsan nga naiisip ko na baka hindi nila ako kapatid kasi bukod sa makapal ang mukha ko napakadaldal kopa, pero sa mga kilala ko lang naman ako nagiging madaldal

𝙱𝚞𝚝𝚒 𝚗𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚔𝚊𝚖𝚞𝚔𝚑𝚊 𝚔𝚊𝚖𝚒 𝚗𝚒 𝚊𝚝𝚎 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚘 𝚖𝚊𝚒𝚒𝚜𝚒𝚙 𝚗𝚊 𝚊𝚖𝚙𝚘𝚗 𝚊𝚔𝚘.

"I don't know." Sagot niya sa tanong ko habang nakafocus sa pagmamaneho

Lagi ko siyang tinatanong kung kailan siya babalik sa bahay pero ganyan lagi ang sagot niya sa tanong ko, Ganun nalang siguro ang galit niya kay dad kaya ayaw pa niya bumalik sa mansion.

"How's dad and mom? Pumayag kaba sa balak nilang kasal?" Napalunok naman ako dahil sa huli niyang tanong

"Okay naman sila, A-ahm yeah pumayag ako." Utal kong sabi sa huli kong sinabi

Handa na sana ako sa mga sermon niya nang lumingon siya sa akin, Pero wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mga mata niya, hindi ba siya galit?

"H-hindi ka galit na pumayag ako sa gusto nila dad?" Tanong ko dahil tumango tango lang siya sa sinabi ko

"Why would I be mad? 𝙸 𝚔𝚗𝚘𝚠 𝚜𝚑𝚎 𝚌𝚊𝚗 𝚙𝚛𝚘𝚝𝚎𝚌𝚝 𝚢𝚘𝚞."

Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil sa huli niyang sinabi, ang narinig ko lang ay 'protect you' dahil sobrang hina nang pagkasabi niya

"Anong protect yo-"

"Gusto mo bang kumain muna tayo?" Putol niya sa dapat kung itatanong sa kanya

Dahil sa nagugutom na rin ako ay tumango nalang ako bilang sagot

______

"Luna, wake up. we're here."

Napamulat ako dahil sa mahihinang tapik sa braso ko

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now