"Let's break up"
Natigilan ako ng marinig ko ang mga katagang yun. Tumawa ako ng pilit.
"Ha ha ha ha! Ano ba babe! Di nakakatawa joke mo" sabi ko
"I'm serious, Trix" malamig niyang sabi.
Tinawag niya ako sa aking pangalan. Tsk! Seryoso nga siya. Pigilan ko ang aking luha na nagbabadya ng bumagsak.
"Why? What the reason??" Sabi ko
Ngumisi siya.
"Wala lang. Sawa na kasi ako sayo" sabi niya ng may mapaglarong ngiti sa labi.
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. So, isang laro lang pala ang lahat...
Kahit masakit, pinilit Kong makatayo sa aking inuupuan. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng mapait."Ok.. Let's break up"
Tinitigan ko muna siya ng matagal. My first love. Ang mga mata niya, ang ilong, ang labi niya. Ngumiti ulit ako. Nagflash back sa isip ko ang lahat-lahat ng masasayang araw na kasama siya. Sinong mag aakalang dito mapupunta ang lahat ng ito. Akala ko panghabang buhay na ito. Masakit pero kailangan talaga. Ayaw na niya eh. Sumuko na siya eh. Tumalikod na ako at dire-diretsong naglakad palabas ng Restaurant. Ewan ko ba! Pero may sariling buhay ata ang aking mga paa. Nalaman ko na lamang na nasa isa akong bar. Pumasok ako at tumuloy sa counter. Umorder ng kahit anong maiinom. Baka sakaling makalimutan ko kahit sandali lang itong aking nararamdaman. Di ko namamalayan kung ilan ng shots ang aking nainom. Naghubad ako ng aking blazer dahil sa init ng aking nararamdaman. Mukang lasing na ata ako. Makauwi na nga. Naramdaman kong may nakatingin sa akin pero di ko na pinansin yun. Tumayo ako at unti-unting lumakad palabas pero may humigit sa akin.
"Hey! Miss, lasing ka na ah. Halika! Sama ka sa akin." Sabi ng lalaki
Nahihilo pa rin ako pero pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
"Let me go!" Sabi ko sa lalake
Hihilahin na niya sana ako ng may sumuntok sa kanya."This girl is mine. So back off!!" Malamig na turan ng lalaking nagtanggol sa akin
Di ko siya maaninag dahil madilim at nahihilo na ako.
Hinigit ako ng lalakeng nagtanggol sa akin palabas. Sinakay niya ako sa kotse. Nilingon ko siya habang nagdadrive. Nakita kong umiigting ang panga niya na parang galit na galit siya.Tinigil niya ang kotse. Humarap siya sa akin. Isa lang ang masasabi ko. Ang GWAPO niya. Kahit madilim ay kitang kita ang kanyang kagwapuhan."What are you doing in that place? Huh?" Galit niyang sabi.
Di ako sumagot. Tinititigan ko lang siya. Medyo nahihilo pa ako.
"Sh*t! Answer me!" Sigaw niya.
Napatingin ako sa labi niya. Siguro masarap halikan iyon. Ewan ko ba! Parang nag iinit ako. Bago pa siya nakapagsalita ay lumapit ako sa kaniya at nilapat ang labi ko sa labi niya. Ang tamis! Natigilan siya pero di nagtagal ay tumugon siya.
*Fast forward*
Nagising ako dahil sa araw na tumama sa aking mukha. Ahhhh!! Ang sakit ng ulo ko!. Hangover... Napatingin ako sa paligid. Di ito ang kwarto ko. Tumingin ako sa tabi ko. Isang lalaki ang mahimbing na natutulog-- teka... Lalaki? Tiningnan ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot. B-bakit hubad ako?? Ngayon nag sink in na sa akin ang nangyari. Di naman ako tanga para di malaman ang nangyari. Unti-unti akong bumangon at kinuha ang mga damit sa sahig. One night stand? Akala ko sa drama lang yun nangyayari. Tiningnan ko ang lalaking natutulog pa hanggang ngayon. Maamo ang mukha niya at masasabing gwapo ito at ang kutis niya kutis mayaman pero di ibig sabihin nabihag na ako nito. Tumalikod na ako at lumabas.Lumingon- lingon ako at nang makita kong walang tao ay kumaripas ako ng takbo. Iniwaksi ko muna ang mga posibleng mangyari basta ito ang pinakamabuting solusyon sa sitwasyon ko ngayon. Alam kong mali pero kailangan. Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay ko.
"Let's break up"
Naalala ko na naman si Xander. Ang mga pagsabi niya ng mga katagang yun na nagdulot sa akin ng narararamdaman ko ngayon. Tumulo ang luha ko. Ang sakit lang. Siya ang first love ko na akala ko magiging last ko. 3 years din naging kami. Masaya naman kami minsan lang kami nag aaway pero bakit ganun?. Pinigilan kong humagugol. Mahal na mahal ko siya kaya sobrang sakit sa akin yung nangyari. At saktong 3rd anniversary namin siya nakipaghiwalay which is kahapon. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nakasiping ko kagabi. Siya ang nakauna sa akin. Kahit kay Xander di pa ako handa ibigay. Pero bakit bumigay agad ako sa lalaking yun? Anong meron sa lalaking yun..Umiling ako, di ko na dapat siya iniisip. Dahil ang gabing yun ay isang pagkakamali lang.
At isang ONE NIGHT STAND lamang.
ONE NIGHT STAND LANG.
HANGGANG DUN NA LANG YUN.
Siguro naman di na kami magkakasalubong ng landas nung lalaking yun.
YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
RomanceWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?