Trixie POV
Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa bahay ni Selena. Pumayag akong kausapin siya. Iniwan muna namin si Selena at yung kasama niyang lalake kanina.
Hay... Bahala na.
Di ko naman kasi siya maiiwasan. Nakita kong parang di mapakali si Clinton.
"Gusto mo ba ng maiinom? coffee---"
"Anong pag uusapan natin?" Seryoso kong sabi.
Huminga siya ng malalim.
"Alam kong galit ka dahil sa nakita mo nang gabing iyon" simula niya.
Paano niya nalaman na nakita ko sila?
"I have my own ways to find out" sabi niya na tila nabasa ang aking isipan.
May pinakita siyang picture.
"She's Sabrina. She's my ex. Siya ang may pakana ng lahat. Wala akong alam sa nangyari. Pinainom niya ako ng pampatulog. Pero promise, walang nangyari sa amin" mahaba niyang paliwanag.
Ewan ko ba kung maniniwala ako. Pero alam kong di siya yung tao na nagsisinungaling. Yan ang isa sa mga nakilala ko sa kaniya.Tumingin ako sa kaniya.
"Alam mo sa totoo lang, di ako naniniwala sayo." Pagsisinungaling ko.
Napayuko siya.
Nakita kong nanginginig ang kaniyang balikat. May narinig di akong hikbi. Umiiyak ba siya?
"Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" Umiiyak niyang sabi.
Pinigilan kong huwag umiyak. Di ko alam pero parang ang sakit ng dibdib ko ng makita ko siyang umiiyak. Di na ako nakatiis ay nayakap ko siya.
Leche! Bakit ang rupok ko pagdating sa kaniya.
"Tumigil ka nga diyan. Di ibig sabihin na napatawad na kita." Sabi ko.
Niyakap niya ako pabalik. Isang mahigpit na yakap.
Oh god! Namiss ko siya.
Pagkatapos ng eksenang iyon ay hinatid niya ako sa bahay ni Selena. Nang nasa tapat na kami ay nagsalita siya.
"Liligawan ulit kita. Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita kahit matagal" sabi niya.
Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa labi pero humiwalay din.
Ano ba yan, bakit di niya pinatagal--- Ano ba yan Trixie. Ang pervert mo!!!
Ngumiti siya at sumakay na sa kotse niya. Nang makaalis ay para akong teenager na kinikilig. Pumasok na ako. Tinawag ko si Selena pero walang nasagot. Kanina sabi niya matutulog na daw siya. Nasaan siya pati yung kasama ni Clinton kanina? Nagkibit balikat na lang ako. Baka may pinuntahan.
Kumain muna ako. Bawal ako magutom kasi buntis ako.....
Sasabihin ko ba sa kaniya na buntis ako?
Umiling ako. Huwag muna siguro. Huwag muna ngayon. Hinawakan ko ang tiyan ko. Hintay ka muna baby ha. Makakasama mo rin si daddy mo.
Trixie POV
Sineryoso nga niya ang sinabi ni Clinton sa akin. Nakaraang linggo ay araw-araw siyang nagbibigay ng bulaklak at pumupunta sa school para sunduin ako. Lagi niya akong inaalagaan. Nandito ako ngayon sa bahay ko. Bumalik na ako. Wala kaming pasok ngayon. Nanonood lang ako ng Spongebob ng may kumatok. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Clinton.
"Hi! Baby!!" Sabi niya.
Napairap ako. Yan na naman siya sa baby-baby niya. Nakita kong may dala siyang grocery.

YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
RomanceWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?