Mother and Son

20 1 0
                                    

Clinton POV

Tuloy-tuloy akong pumasok sa mansyon namin. Lumapit ako sa isang kasambahay.

"NASAAN SI MAMA?" Galit kong sabi.

"N-nasa g-garden p-po s-sir" nauutal na sagot niya.

Di na ako nagsayang pa ng oras. Pumunta agad ako sa garden. Nakita kong nakaupo siya dun.

"Ikaw ba ang pumipigil na mahanap ko siya?" Nagpipigil kong sabi.

Lumingon siya sa akin na parang wala lang nangyari.

"Oh anak! Nandito ka pala." Nakangiti niyang sabi.

"SABIHIN NIYO!!!...Kayo ba ang may gawa nun?" Galit kong sabi.

Sumeryoso siya.

"Oo"

Napayukom ang kamao ko sa galit.

"Why? Why are you doing this?" 

Tumulo ang luha ko ng sinasabi ang katagang iyon.

"I told you to stay away from that bitch, pera lang ang habol niya sayo---"

"PLEASE STOP IT!!" Sigaw ko.

Halatang nagulat siya sa pagsigaw ko. Napaluhod ako sa harap niya.

"Please.... Mom... Let me see her... Ikakamatay ko kapag hindi ko siya nakita. Sila ng magiging anak ko."

Umiiyak kong sabi.

Narinig kong napasinghap siya.

"W-what d-did you say?" Tanong niya.

"She's pregnant. At nababaliw na ako kakaisip kung ok lang ba siya. I miss her."

Tumingala ako.

"Please! Mom... I need to find her. I love her. Please!!" Pakiusap ko sa kaniya.

Natigilan siya saglit. Maya-maya may tinawagan siya.

"Itigil niyo na"

Yun lang ang sinabi niya. Tumingin siya sa akin. Nakita kong tumulo ang luha niya sa mata. Pumantay siya sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry anak, Naging makasarili ako. Akala ko iyon ang makakabuti sayo. Patawarin mo ako anak." Umiiyak na sabi niya.

Niyakap ko rin siya pabalik. Kahit papaano ay siya ang ina ko. Humiwalay siya sa akin.

"Puntahan mo na siya. Kailangan ko ring humingi ng tawad sa kaniya." Sabi niya.

Agad akong tumayo at tumakbo palabas.

Wait for me, Trixie.

I'm coming to you.

Trixie POV

Linggo ngayon at nakaayos kami ngayon. Magsisimba kasi kami. Nakaupo ako ngayon sa sofa habang inaantay si Selena. Napasimangot ako. Kahit kailan talaga ang bagal niya.

"Ang tagal mo naman." Reklamo ko.

Kasama namin si Xander.

Ewan ko ba, simula nung nagkita kami lagi nang nakabuntot sa amin este kay Selena. Mukhang may interes siya kay Selena. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang pag-aaway nila. Parang aso't pusa. Nabalik ako sa wisyo ng may kumatok sa pinto. Lumapit ako dito at binuksan.

Si Xander pala.

"Oh! Xander.." Sabi ko.

Ngumiti lang siya sa akin at sumilip sa likod. Mukhang hinahanap si Besh. Tumikhim ako.

"Nag-aayos pa si Selena eh tara pasok ka."

Pinapasok ko na siya sakto namang lumabas si Selena. Automatic na bumusangot ang mukha niya nang makita si Xander. Lumabas na kami. Sasakay na sana kami ng taxi nang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
Paglingon ko ay bumilis ang tibok ng puso ko.

Clinton..

Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Di ako makagalaw. Gusto ko siyang yakapin pero nanaig pa din ang pride ko. Humiwalay na siya. Nakita kong umiiyak siya.

"Baby! I miss you so much." Umiiyak niyang sabi.

Kumirot ng konti ang puso ko ng makita siyang ganyan. Tinitigan ko siya, ang laki ng pinayat niya. Nakita kong lumabas sa kotse niya si Red. Galit na galit na lumapit kay Selena at hinigit siya. Bumalik ang tingin ko kay Clinton. Tinanggal ko ang kamay niyang nakakapit sa akin.

"Bakit ka nandito?" Malamig kong tanong.

Halata sa mukha niya na nasaktan siya sa pananalita ko. Pero nabigla ako ng buhatin niya ako.

"Ano ba! Ibaba mo ako." Nagpupumiglas kong sabi.

Pero parang wala siyang narinig. Sinakay niya ako sa kotse niya at madali itong pinaandar.

"Ano ba! Clinton!" Sabi ko.

"Let me explain everything. Please listen to me." Nakikiusap niyang sabi.

Tinigil niya ang kotse. Tumingin siya sa akin.

"Naaksidente ako." Panimula niya.

Nagulat ako sa parteng iyon.

Naaksidente siya?

One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)Where stories live. Discover now