Gift

14 1 0
                                    

Trixie POV


Nagising na lang ako na nasa hospital na. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid. Nakita ko si Selena na natutulog na nakapatong ang ulo sa kama. Sinubukan kong bumangon. Pero biglang nagising si Selena.

"Are you okay? Besh!" Nag-aalala niyang tanong.

"I'm okay. Anong nangyari?" Tanong ko.

Nagsimula na siyang umiyak.

"Ano bang iniisip mo ha? Di ka man lang kumain buong araw. Tapos umiiyak ka pa. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo. Akala ko-- akala ko mawawala ka na nung nakita kitang nakahandusay sa kama." Sunod-sunod niyang sabi.

Niyakap ko siya.

"I'm okay now. Thank you, Selena" ngiti kong sabi.

"Besh! Huwag kang mabibigla ha. Kasi......"

"Ano ba sabihin mo na?" Inip kong sabi.

"Besh... You're 1 month pregnant..."

Tumigil ang mundo ko ng marinig ko iyon. M-may baby sa tiyan ko. Unang pumasok sa isipan ko si Clinton. Siya ang ama. Tumahimik muna ako. Tsaka naglakas loob na magsalita.

"O-ok l-lang ba ang b-baby?" Utal kong tanong.

Ngumiti siya at tumango.

"Healthy si baby. Nahimatay ka lang dahil sa matinding stress. Masama iyon sa bata." Sabi niya.

Tumango ako at tumingin sa tiyan ko. Hindi ako nagsisisi, bagkus natutuwa akong dumating ka...

Anak....

Nanatili muna ako ng isang araw sa hospital. Kinabukasan ay nagdischarge na ako. Habang naglalakad kami papuntang sakayan ay nagsalita si Selena.

"Besh! Tawag ng tawag sa akin si Clinton. Pumupunta din siyang school. Buti na lang napakiusapan ko sa mga co-teacher natin na huwag sabihin kung nasaan ka." Sabi niya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Narinig kong bumuntong hininga siya. Di na siya nagsalita. Pero alam kong marami siyang gusto sabihin sa akin. Di habang buhay ay maiiwasan ko siya. Kaya hindi ako magtatago sa kaniya.


Clinton POV


Limang araw na simula nung nakausap ko siya. Limang araw na rin akong babad sa alak. Pinuntahan ko ulit ang school kanina pero hindi nila alam kung nasaan siya. Alam kong may alam ang kaibigan niyang si Selena. Kaya hanggang ngayon tawag ako ng tawag sa kaniya. Nasa V.I.P Room ako. Maya maya may nagbukas ng pinto.

"Brad" tawag niya sa akin.

Si Red lang pala. Isa sa mga barkada ko pero pinakaclose.

"Ano ba ang nangyayari sayo? Dahil lang sa isang babae nagkakaganyan ka" sabi nito.

Nag-init ang ulo ko sa narinig ko.

"Di lang siya isang babae, Red. Mahal ko yun" madiin kong sabi.

Umupo siya sa tabi ko. Iinom ulit sana ako ng agawin niya ang baso sa akin.

"Tama na yan. Ginagawa mo lang miserable ang buhay mo. Sa tingin mo, kapag nakita ka niya na ganyan ang itsura mo, matutuwa ba siya sayo" sabi niya.

Napahagulgol na lang ako sa sakit. Ayokong maging ganito pero anong gagawin ko, miss na miss ko siya.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Brad! Ayusin mo muna ang sarili mo. Kung gusto mo siyang mahanap. I will help you. Ok?" Sabi niya.

"Salamat, Red"

Tama, di ako titigil.

Trixie! Patawad pero di kita susukuan.

Trixie POV


Kinabukasan ay pumasok na ako sa school. Dahil kailangan ko ring magtrabaho lalo na at may baby akong binubuhay. Sinunod ko ang payo ng doctor tungkol sa pagbubuntis.

Pagkadating ko sa classroom ay agad akong sinalubong ng mga students ko. Namiss ko sila. Kahit papaano ay lumuwag ang aking pakiramdam dahil sa kanila. Naging mabilis ang takbo ng oras, uwian na. Todo alalay sa akin ni Selena. Napatawa na lang ako sa inaakto niya.

Ang OA niya akala mo siya ang ama.

Ama.....

Masaya sana kung siya ang kasama namin. Pinilig ko na lang ang ulo ko. Kalimutan ko muna siya.

"Besh! Gusto mong kumain muna."

Napangiti ako. Ang alaga niya sa akin. Kaya mahal ko ito eh.

"Ikaw? Nagugutom ka ba?" Tanong ko.

"Oo eh hehehe" nahihiya niyang sabi.

Napatawa ako. Dumiretso kami sa isang karinderya. Natuon ang mata ko sa dinuguan. Nakakatakam naman nun.

"Isa pong dinuguan" order ko.

Kumain na kami. Napahawak ako sa tiyan ko. Mukhang gutom na gutom si baby ah. Napangiti naman ako. Baby! Pakalusog ka ha hihihi. Pagkatapos ay nagyaya na siyang umuwi. Bago kami tuluyang umuwi may nadaanan kaming donut. Nakita ni Selena na nakatingin ako dun. Umirap lang siya.

"Gusto mo?" Tanong niya.

Tumango ako sa kaniya ng sunod-sunod. Agad kaming bumili. Kukuha na sana ako pero tinapik niya ang kamay ko.

"Mamaya na sa bahay" sabi niya.

Napanguso naman ako. Pero sa bagay busog pa naman ako.

Baby, patatabain mo naman ako eh HAHAHAH.

Napangiti ako dahil sa pagkausap ko sa baby ko. Nang makarating kami sa tapat ng bahay niya ay may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay. Kanino yun? Tumingin ako kay Selena at nakita kong nagtataka din siya. Lumapit na kami sa gate. Bubuksan ko na sana ang gate ng may humawak sa braso ko. Pagtalikod ko ay nagulat ako ng makita kung sino iyon.

Clinton....

One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)Where stories live. Discover now