Trixie POV
Naglakad ako pabalik sa kaniya. Halata sa mukha niya ang pagtataka. Inabot ko sa kaniya ang kinuha ko sa kwarto.
Kinuha niya naman ito. Pregnancy Test iyon. Tinitigan niya ang PT at tumingin sa akin.
"W-what i-is t-this?" Nauutal niyang sabi.
Huminga ulit ako ng malalim."I'm 1 month pregnant. Magiging daddy ka na" sabi ko.
Nagulat ako as in napanganga ako. Si Clinton.....
Hinimatay.
Trixie POV
Nasa hospital kami. Binabantayan ko si Clinton.
Gosh! Di ko akalaing mahihimatay siya. Daig niya pa ako.
Maya maya nagising siya. Bumangon siya.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
Inirapan ko siya.
"Nahimatay ka lang naman pagkatapos kong sabihin na--"
Napatigil ako ng bigla niya akong niyakap.
"Thank you! Thank you talaga Baby!! I promise to be a better daddy for her/him" nanginginig niyang sabi.
Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Mahal na mahal ko talaga ang taong ito.
"I love you..." Bulong niya sa akin.
"I love you too" sagot ko.
Clinton POV
Di mapigilan ang ngiti sa aking labi. Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Iisipin ko pa lang na may anak na ako. Nakakaexcite. Nasa office ako ngayon. Pagkatapos kong madischarge sa hospital ay tumawag ang sekretarya ko. May importante daw sasabihin. Di na ako makapag-antay. Gusto ko na puntahan si Trixie ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Red. Nagtaka ako kung bakit siya narito. Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Clinton, nakabalik na ang mama galing China." seryoso niyang sabi.
Nawala ang ngiti ko sa mga labi. So, nakabalik na pala siya. Para ano? Sirain na naman ang buhay ko. Nalaman kong siya ang dahilan kung bakit ako binreak ni Sabrina. Binayaran siya ng mama ko. Maiisip ko pa lang iyon ay nag-iinit na ang ulo ko.
"Gusto ka niyang makita" dugtong ni Red.
Bumuntong hininga ako. Tumayo ako.
"Saan siya makikita?" Malamig kong sabi.
**
Nandito ako ngayon sa tapat ng isang 5 star restaurant. Pumasok na ako at hinanap si mama. Nakita kong kumaway siya. Lumapit ako at umupo agad."Anong kailangan mo?" Diretso kong tanong.
"Di ka pa rin nagbabago. Ang cold mo pa rin, anak" nakangiti niyang sabi.
"Just straight to the point. What do you want?"
Sumeryoso siya.
"Kailangan mong pakasalan si Chloe" sabi niya.
Nangunot ako noo ko.
"Sino naman iyon?" Tanong ko.
"Anak ng business partner ko. Please! Kailangan natin magpalago ng negosyo--" pakiusap niya.
Tumayo ako at tumingin sa kaniya.
"Ayoko"
Tumalikod na ako pero napatigil ako ng magsalita siya.
"Dahil ba kay Trixie Reyes?" sabi niya.
Humarap ulit ako at sinamaan siya ng tingin.
"Huwag na huwag mo siyang papakialamanan" madiin kong sabi.
Ngumiti siya na parang nang-aasar.
"Kilala mo ako, sweetie. Kaya kong gawin ang lahat para lang masunod ang gusto ko" sabi niya.
Di ko siya sinagot.
Nagpatuloy akong naglakad palabas. Subukan lang niya na saktang ang mahal ko. Di niya magugustuhan ang magagawa ko.
Trixie POV
Dumiretso ako sa bahay ng madischarge si Clinton. Magpahinga muna daw ako dahil baka napagod ako. Si Clinton naman ay nagpaalam dahil may importante daw siyang gagawin. Di na ako nagtanong. Di naman ako yung tao na lahat na lang ay itatanong.
Anyway, nandito ako ngayon sa sala. Pumapapak ako ng ng peanut butter.
Actually, nakakadalawa na akong lalagyan. Ang weird kasi di naman ako nauumay. Habang kumakain ay may biglang bumukas ng pinto.
Si Clinton.
Bago pa ako nakapagsalita ay niyakap niya ako. Nagtataka ako sa inakto nito. Pero niyakap ko na lang siya pabalik. Maya maya ay bumitaw siya. Tiningnan ko siya sa mukha.
"Ok ka na ba?" tanong ko.
Tumango siya.
"Anong nangyari?" Tanong ko ulit.
Di siya sumagot. Lumapit ako sa kaniya.
"Ok lang kung di mo sabihin" sabi ko.
Tumingin siya sa akin. Bumuntong hininga siya. At nagsimula nang magkwento. Lahat ay sinabi niya. Tungkol sa ex niya at kung ano pa.
"Ayokong mawala ka sa akin. Ikakamatay ko." Seryoso niyang sabi.
Ngumiti ako.
"Di ako mawawala. Trust me." Sabi ko.
Niyakap niya ulit ako. Di ko alam kung ano ang kayang gawin ng mama niya...
Pero di ko hahayaang magkahiwa-hiwalay kami. Ngumiti ako.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
Umiling siya.
" Pagluluto muna kita. Sandali lang."
Tumayo ako at pumuntang kusina. Nagsimula na akong magluto ng Sinigang. Narinig kong nagsalita si Clinton.
"Baby? Naubos mo ang dalawang lalagyan ng peanut butter?" Di makapaniwalang sabi niya.
Nag peace sign ako at ngumiti. Niyakap niya ako patalikod. Ang hilig niya sa ganun. At hinalikan ang batok ko.
"Baby" Tawag na sa akin.
"Mmmm?"
Habang patuloy na nagluluto.
"Ano-ano ang mga pinaglilihian mo? Ano-ano ang ayaw mong pagkain?" Tanong niya.
Nag-isip naman ako.
"Wala naman akong masiyadong pinaglilihian maliban sa peanut butter. Tsaka ayaw ko sa amoy ng chocolate." Sagot ko.
Naramdaman kong hinawakan niya ang tiyan ko.
"Baby, nandito na si Daddy. Di ko kayo pababayaan ni Mommy." Sabi niya.
Napangiti ako.
Humarap ako sa kaniya at hinalikan siya. Pagkatapos ay niyakap ko siya.
"Baby... Gusto ko ulit ng peanut butter" bulong ko sa kaniya.
Napatawa na lang siya.
"I love you" sabi niya.
Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag sinasabi niya ang mga katagang iyon.
"I love you too" sagot ko.

YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
RomantizmWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?