Problem

14 1 0
                                    

Clinton POV

(Author: Eto na yung PRESENT day)

Lumipas ang ilang buwan, hindi ko pa rin nahahanap ang mag-ina ko. Pinahanap ko na siya sa private investigator ko pero ang sabi niya may pumipigil daw para mahanap sila. Di ko na alam ang gagawin ko. Halos mabaliw na ako kakaisip sa mag-ina ko. Nandito ako ngayon sa bahay ni Red. Pareho kaming mukhang siraulong lumalaklak ng alak. Pareho kasi kami ng problema. May gusto siya kay Selena na nawala rin na parang bula.

"May balita ka na ba sa kanila, brad?" Sabi niya.

Umiling ako.

"Ganun pa rin. May taong pumipigil para mahanap ang lokasiyon nila." Sabi ko.

Lumukot ang mukha niya sa inis.

"Sino ba kasi iyon? Bakit niya tayo pinipigilan?" Inis niyang sabi.

Di ko na siya sinagot at lumagok na lang ng alak. Di ko alam kung sino yun pero nasisiguro kong mas maimpluwesiya siya kesa sa amin. Napapikit ako. Di man lang ako nakapagpaliwanag sa kaniya. Nag-init na naman ang ulo ko nang maalala kong nagsinungaling sa akin si mama. Pati na ang babaeng nagngangalang Chloe. Napayukom ako ng kamay. Pero di ako susuko sa paghahanap sa inyo, Trixie. Gagawin ko ang lahat para magkasama-sama ulit tayo.

Trixie POV

Pagkatapos naming magpacheck-up pumunta muna kaming Mall. Si Selena kasi excited nang bumili ng mga damit ni baby. Pumunta kaming bilihin ng mga gamit ng baby. Si Selena na lang ang pinapapili ko, siya naman ang gagastos hehehe. Nakuha ng atensiyon ang isang family set na damit. Nalungkot na naman ako. Ang ganda siguro isuot iyan kung kumpleto kami. Umiling ako. Tama na nga ang drama. Tumalikod na ako pero biglang may nabunggo ako.

"Naku, sorry---"

Naputol ang sinasabi ko nang makilala kung sino iyon.

"Trixie?"

"Xander"

***
"Kamusta na?" Sabi ni Xander.

Si Xander yung nakabunggo ko. Ang ex-boyfriend ko. Ngumiti ako sa kaniya.

"Ok naman ako. Bakit ka nga pala nandito sa Baguio?" Tanong ko.

Kanina pa siya natingin sa umbok kong tiyan. Ewan, di na ako naa-awkward sa kaniya. Siguro nga nakamove on na ako.

"Ahhh! I'm 4 months pregnant." Sabi ko.

Tumango-tango siya. Lumingon-lingon siya na parang may hinahanap.

"Asan ang ama niyan" tanong niya.

Natahimik naman ako. Napansin niya iyon at agad na nag-sorry. Ngumiti lang ako. Nagpatuloy ang pagku-kwentuhan namin. May business trip daw sila dito sa Baguio kaya siya nandito.

"Besh!" Tawag sa akin.

Si Selena pala. Nakita kong sumama ang tingin niya kay Xander na nasa tabi ko.

"Bakit nandito iyang damuhong iyan" inis niyang tanong sa akin.

Pinalo ko siya sa braso.

"Ano ka ba? Ok na kami. Friends na kami diba Xander?" Nakangiti kong sabi.

"Oo, Selena sana mapatawad mo ako. Gago lang ako dati pero promise nagbago na ako." Sabi niya.

Umirap lang si Selena.

"Talaga ba Besh? Kung ganoon, libre mo kami ngayon ng makakain para bawi na." Sabi niya.

Napatawa ako. Ang takaw niya talaga. Nakita kong ngumiti si Xander.

"Kahit ano kainin niyo, my treat" sabi ni Xander.

Dumiretso kami sa Jollibee. Talagang sineryoso ni Selena ang sinabi ni Xander. Grabe, halos lahatin niya ang order sa kainan. Tumingin ako kay Xander. Balewala lang sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at bumulong.

"Uy! Sorry ha! Naku! Napagastos ka pa tuloy." Paumanhin ko.

"Ok lang noh! Kulang pa yan sa lahat ng kasalanan ko sa inyo." Nakangiti niyang sabi.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa pamimili. Tumulong na rin si Xander sa amin. Wala naman daw siyang gagawin ngayon. Naging madali ang pamimili namin. Nakakahiya nga kay Xander dahil siya nagbuhat ng mga gamit. Ngayon ay pauwi na kami sakay sa kotse ni Xander.

"Maraming salamat talaga Xander"
Sabi ko.

"Wala yun. Para namang wala tayong pinagsamahan." Sabi niya habang nagmamaneho.

Nang makarating kami sa bahay ay nagpasalamat ulit ako sa kaniya. Hay!! Nakakapagod ang araw na ito.

Clinton POV

Katatapos lang ng aking trabaho. Nag-unat ako. Kailangan kong magtrabaho para sa mag-ina ko. Patuloy pa rin ang paghahanap ko sa kanila. At patuloy pa din ang pag pigil ng taong iyon para mahanap siya. Tsk! May araw din iyon sa akin. Tatayo na sana ako nang may nahulog sa aking bulsa. Pinulot ko ito. Nangilid ang luha ko ng malaman na ito pala yung keychain na bigay ni Trixie sa akin. I miss her very much.

Nasaan ka ba talaga?

Napapahid agad ako ng luha nang may bumukas ng pinto. Nakita kong ang sekretarya ko iyon.

"Sir, may bisita po kayo" sabi niya.

Tsaka niya pinapasok ang bisita. Ang private investigator ko pala. Halatang nagmamadali ito papunta dito dahil hingal-hingal ito. Nangunot ang noo ko.

"What is it?" Tanong ko.

"Alam ko na po kung sino ang pumipigil na mahanap ang girlfriend niyo." Sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya.

"Sino?"

"Si Mrs. Delia Gomez.... Your mother..."

One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)Where stories live. Discover now