Trixie POV
Nandito ako ngayon sa bahay ni Selena. Di ako umiiyak, di rin ako nagsasalita.
Parang mas masakit pa ito sa una kong break up ahh.
"Besh.. Ano ba talaga nangyari?" Nag-aalalang sabi niya.
Di pa rin ako nagsasalita. Niyakap niya ako.
"Besh.. Mas masakit kapag di mo nailabas iyan. Iiyak mo na iyan. Para mabawasan ang bigat" sabi niya.
Tuluyan na akong bumigay. Umiyak ako ng umiyak. Napakamalas ko talaga pagdating sa love. Kinwento ko sa kaniya lahat. Nanggagalaiti siyang tumayo.
"Aba't walanghiya naman pala yang Clinton na iyan, balak ka pang gawing kabit. Alam mo tama lang na hindi mo pa siya sinagot!!" Galit na sabi niya.
Pinabayaan ko na lang siya. Wala ako sa mood.
"So? Anong plano mo?" Tanong niya.
"Pwede bang dito muna ako. Please! Ayoko siyang makita." Pakiusap ko.
"Ano ka ba besh! Ok na ok kahit dito ka na tumira." Sabi niya.
Niyakap ko siya.
"Maraming salamat talaga besh!" Sabi ko.
"Wala iyon. Tara na anong oras na oh! Alas tres na." Sabi niya.
Kinaumagahan nagdesisyon akong huwag munang pumasok. Si Selena na daw ang bahala sa reason. Nakahiga pa rin ako sa kama. 8 am na ng umaga. Bumangon ako at napatingin ako sa cellphone ko na nasa table. Bilin sa akin ni Selena ay huwag na daw buksan ang cellphone ko. Masasaktan na naman daw ako. Pero dahil matigas ang ulo ko, binuksan ko siya. Nanlaki ang mata ko sa bumungad sa akin. 306 missed call at 445 na text message.
At iisang tao lang galing lahat iyon.
Walang iba kundi kay Clinton.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng maring etoh. Si Clinton. Bakit pa siya tumatawag? Di ko namamalayan ay napindot ko na pala ang answer.
"Hello!! Trixie!! Thank God. Sinagot mo rin. I'm so worried about you."
Di ako sumagot. Tumulo ulit ang luha ko. Ang boses niya halatang nag-aalala.
Umiling ako.
Hindi ito totoo.
"Hey! Trixie.. Did i do something wrong. Tell me!!"
Huminga ako ng malalim.
"Huwag mo na akong guluhin. Huwag ka nang magpakita sa akin. Ayoko na kitang makita pa." Sabay patay ko sa linya.
Tumawag ulit siya pero pinatay ko ang cellphone ko.
Umiyak na naman ako. Ano ba yan? Trixie! Di naman naging kayo eh! Ang OA mo! Umiyak lang ako ng umiyak. Hanggang sa nagdilim na ang aking paningin.
Everything went black....
Clinton POV
Binato ko lahat ng nakita kong gamit sa loob ng office ko. Nakita niya ang nangyari. Kasalanan ito ni Sabrina. Di ko alam na may balak ang babaeng iyon nung gabing iyon.
*Flashback*
Birthday ko ngayon. Maaga akong natapos sa aking trabaho. Balak ko sanang puntahan si Trixie. Napangiti ako ng maalala ko ang mga nakaraang araw. Naging close na kami at napatunayan ko din sa sarili ko na mahal ko siya. Di ko na kaya pa siyang pakawalan. Naputol ang aking pag- iisip ng biglang bumukas ang pinto ng office ko.
Si Sabrina, nakadamit ito ng ordinaryong damit.
Ngumiti ito sa akin.
"Gusto ko nang magbago at bumalik sa dati. Gusto ko sanang makipag closure" sabi niya.
Ngumiti ako. Finally, natauhan na rin siya.
"Sure!"
Nandito kami isang restaurant. Kumain lang kami. Narinig kong aalis siya abroad.
"Ah Sabrina, cr lang ako" paalam ko.
Tumayo na ako at pumuntang cr. Nagvibrate ang phone ko. Napangiti ako ng malamang galing kay Trixie ang mensahe. Pinapupunta niya ako sa bahay niya. Bumalik na ako sa table.
"Sabrina! Gotta go."
"Wait! Inumin mo muna itong kape, ako pa ang nagtimpla niyan." Sabi niya.
Wala akong nagawa kaya ininom ko na lang ang kape. Maya maya bigla akong nakaramdam ng hilo.
"Babe? Ok ka lang ba?" Nang-aasar niyang sabi.
Huli para magsalita dahil nagdilim na ang aking paningin.
Pagkagising ko nakahubad na ako at katabi ko si Sabrina. Ang sakit ng ulo ko. Bakit ako nakahubad? Tumingin ako kay Sabrina. Sh*t naalala ko na. Nagbihis agad ako at lumabas. Nakasalubong ko ang isang staff sa building.
"Sir, may babae pong galing dito. Umiiyak po siya" sabi niya.
Trixie....
Pumunta agad akong Control Room. Bawat condo may secret CCTV na ang owner lang ang makakakita. Pinanood ko ang video.
So, walang nangyari sa amin ni Sabrina. Napahinga ako ng maluwag. Pero nagulat ako ng pumasok si Trixie sa kwarto. Sh*t
*End of Flashback*
Tumulo ang luha ko. Trixie! Biglang may pumasok sa office ko.
"Babe"
Nandilim ang paningin ko. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya. Sinakal ko siya.
"C-clinton" nahihirapan niyang sabi.
"Are you happy now? Huh. ARE YOU HAPPY NOW?! YOU RUINED EVERYTHING. YOU B*TCH"
Biglang umawat ang sekretarya ko.
"Sir, baka mapatay niyo siya" sabi ng sekretarya ko.
Binitawan ko siya.
Tumalikod ako. Habol habol ko pa ang hinihinga ko sa ginawa ko. Humarap ako sa sekretarya ko.
"Ilabas mo siya dito!! Ayaw kong makita ni anino niya!!!" Sigaw ko.
YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
RomanceWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?