Pain (Again)

14 1 0
                                    

Trixie POV

Sino ako?

Bakit ganyan ang trato niya sa akin?

Bakit kailangan niyang magkunwari na di niya ako kilala?

Di  na niya kailangan iyon kung makikipaghiwalay siya.

Pinahid ko ang luha sa mata ko. At ngumiti ng mapait.

"Sorry, nakaistorbo ako."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay dire-diretso na akong umalis. Ilang beses pa ba akong masasaktan dahil sa pagmamahal na ito?

Napakunot ako ng noo. Parang may iba kay Clinton.

Umiling ako.

Di ko na siya dapat isipin. Kung ayaw na niya dahil pagod na siya, tatanggapin ko. Kahit parang pinupunit ang puso ko sa sakit. Naalala ko ang baby sa tiyan.

Baby, wala na si Daddy. Iniwan na niya tayo. Pangako, palalakihin kita ng maayos.

Dumiretso ako sa bahay at nag-impake. Kailangan kong umalis dito. Nasabi sa akin ni Selena na may penthouse sila sa Baguio. Tinawagan ko siya at nagpaalam na dun muna ako. Kailangan kong makalayo. Baka mapahamak ang puso ko. Pati ang anak ko.

Selena POV

Napahilamos ako ng mukha. May nangyari na naman kay Besh! Bakit ba lagi siyang sinasaktan ni Clinton?

Nag-iinit na naman ang dugo. Paulit-ulit na lang ito nangyayari. Ang inaalala ko baka madamay pati ang bata sa sinapupunan ni Trix.

Uwian na at naglalakad ako pauwi. Maya-maya may natanaw ako na kotse sa tapat ng bahay ko. Nakilala ko naman agad iyon. Nag-init na naman ang dugo ko. Lumabas si Red at lumapit sa akin. Nilagpasan ko lang siya pero hinigit niya ako.

"Selena, anong problema?" Tanong niya.
Iwinaksi ko ang kamay niya sa braso ko at hinarap siya.

"Anong problema? Yang kaibigan mo ang problema!! Alam mo bang umiiyak ngayon ang kaibigan ko dahil sa kaibigan mo." Sagot ko.

Huminga ako ng malalim. Tumingin ako ng diretso sa kaniya.

"Huwag na kayong magpapakita sa amin ni Trixie. At sabihin mo sa magaling mong kaibigan na wala na siyang babalikan."

Pagkatapos ko iyon sabihin ay pumasok na ako sa bahay. Kailangan kong bantayan si Trixie. Mula sa mga taong katulad nila. Nag-impake na rin ako at nagsabi sa school na leave muna kami ni Trix for personal reason.

Trixie POV

Di naging madali ang mga nagdaang buwan. Pero kinaya ko para sa bata sa sinapupunan ko. Napangiti ako at hinawakan ang umbok na tiyan ko. Sa mga nagdaan na buwan, di ako pinabayaan ni Selena. Kahit nahihirapan siya ay di siya sumuko.

"Asawa ko"

yan na ang tawag ko sa kaniya. Natatawa na lang ako ng maalala ko ang reaksiyon niya nang una ko siyang tinawag nun. Para siyang nandidiring ewan pero nasanay na siya.

Nandito pa rin kami sa penthouse niya. Laking pasasalamat ko talaga kay Selena dahil pinatira niya ako dito. Nakaupo ako ngayon sa sofa, hinihintay ko si Selena. Ang bagal ng babaitang iyon. Magpapacheck up kami ngayon. Naeexcite ako dahil ngayon na malalaman kung lalaki o babae ang baby ko.

"Asawa ko!!! Ang bagal mo naman." Tawag ko kay Selena.

Nakita kong bumaba na siya. Nakasimangot na naman siya.

"Pwede ba huwag mo akong tawagin ng ganiyan. Natatayuan ang mga balahibo ko sayo eh." Nakasimangot niyang sabi.

Natawa na lang ako. Lumabas na kami at pumara ng taxi. Nandito na kami sa isang Clinic. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng ngiti ni Dra. Santos.

"Kamusta? Excited ka na bang malaman ang gender ni baby." Sabi niya sa akin.

Tumango lang ako. Inexamine niya muna ako tsaka pinahiga. Pinahidan niya ang tiyan ko ng parang gel na malagkit (di ko alam tawag dun eh hehehe). Tumingin ako sa monitor.

"That's your baby, Trixie" Sabi ng doctor.
Tiningnan ko ito ng mabuti.

Ang baby ko.

Napaluha ako. Pagkatapos nun ay kinausap na kami ng doctor. 

"It's a girl, Trixie" nakangiti na sabi ng doctor. Tumili naman si Selena.

"Waaahhh!! My first inaanak is a girl. Congrats Besh!!!" Sabi ni Selena. Natawa naman ako sa inakto niya.

One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)Where stories live. Discover now