Trixie POV
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nag break kami ni Xander at ang nangyari ng gabing iyon. Maayos naman ang naging takbo ng buhay ko sa tatlong araw na iyon. Naglalakad ako ngayon papuntang work. Isa akong teacher, Kinder lang ang tinuturuan ko. Mahilig ako sa mga bata. Nakakatuwa sila. Pagdating ko sa gate, agad kong binati ang guard."Good morning, Manong" Ngumiti ito at sabay sabing "Good morning din po Ms. Reyes"
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Ms. Vera. Nakataas ang kilay nito na para bang may nangyaring di maganda. Napangiti ako. Mukhang mahabang chikahan ito ah. Meet Selena Vera my bff.
"Oh bakit parang nakabusangot na naman ang mukha mo. Kaya wala kang jowa eh!" Natatawa kong sabi.
"Wow! Nagsalita ang may jowa! Anyway, kaasar talaga! Yang si Mr. Greg!" Lukot na mukha niyang sabi.
"Oh! Ano na naman ang ginawa niya sayo?" Tanong ko.
"Kasi kanina naglalakad ako ng mapayapa papuntang faculty. Tapos bigla na lang siyang sumulpot at pinatid ako. Ayun! Nagdive lang naman ako sa sahig! Kakairita!!! Kailan ba niya ako titigilan?" Nanggigigil niyang sabi.
Umiling na lang ako.
"Tara na!" Aya ko sa kanya.Di na ako magtataka kung magkatuluyan sila. Parang aso't pusa lagi. Pagdating ko sa Faculty ay inayos ko muna ang schedule ko ngayon at lesson. Habang nag-aayos, napatingin ako sa picture frame na nasa tabi ng laptop ko. Picture namin ni Xander. Kinuha yun nung 1st anniversary namin. Pareho kaming nakangiti na tila ba kami na ang pinakamasaya sa lahat. May namumuong luha na naman sa aking mata. Pinigilan ko iyon. Wala namang magagawa ang pag-iyak ko. Saktong nag ring ang bell hudyat na simula na ang klase.
Clinton POV
"Nahanap niyo na?" Malamig kong tanong sa aking sekretaryang lalaki.
"Mr. CEO, w-wala po talaga kaming mahanap na lead. Wala pong nakakakilala sa kaniya sa bar." Sabi nito.
Nalukot ang mukha ko at binato sa kaniya ang mga gamit sa table ko.
"Iisa lang na babae, di niyo pa mahanap!!! May balita na ba sa private investigator natin??"
Umiling siya. Napapikit ako ng mariin.
"Get Out.." Malamig kong turan.
Nang lumabas na siya, napayukom ang mga kamay ko. Nasaan ka na ba? Pag nalaman ko lang kung nasaan ka... Di na kita pakakawalan. Napapikit ulit ako at inalala ang nangyari ng gabing iyon. Ngayon lang ako nagkaganito sa tanang ng buhay ko. Tatlong araw na ang nakalipas pero sariwang sariwa pa rin ang nangyari sa amin. Lumitaw sa aking isipan ang napakaganda niyang mukha. Ilang araw na ako ganito. Kung inalam ko lang sana ang pangalan niya, madali ko lang siya makikita. Hintayin mo ako, My Queen...
Trixie POV
Tapos na ang klase ko ngayong araw at napagkasunduan namin ni Selena na kumain sa labas. Nag-aayos na ako ng gamit. Pagkatapos ay lumabas na ng faculty. Nakita kong nag-aantay na sa gate si Selena. Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya ng sumulpot si Dave. Teacher sa Grade 2 kaya madalang ko lang siya makita dahil magkaiba kami ng building.
"Trixie, tapos ka na sa klase mo?" Tanong niya.
"Ahh! Oo, kakain kami sa labas ni Selena. Alam mo na girl thing!" Sabi ko sa kaniya.

YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
Любовные романыWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?