Trixie POV
Narinig ko ang iyak ni Sammy mula sa kusina. Agad akong pumunta sa sala. Nakita kong umiiyak siya habang nanonood ng tv. Agad akong lumapit sa kaniya.
"Bakit anak? Anong problema?" Tanong ko.
"Mommy, I hate the tragic ending. Look, her boyfriend died." Turo niya sa tv.
Napailing ako. Akala ko kung ano na. 3 years old pa lang si Sammy pero nahilig na siyang manood ng mga love story sa tv. Nagbabasa rin siya ng love story book. Hay... Narinig kong may kumatok. Binuksan ko agad iyon. Si Selena pala kasama ang asawa niya.
"Besh! I miss you!" Sabay yakap sa akin.
"Me too. Ikaw naman kasi sa Hongkong pa kayo nag-honeymoon."
Ngumiti na lang siya sa akin na parang kinikilig. Napairap ako. Tumingin sa asawa niya. Hulaan niyo kung sino napangasawa niya hihihihi. Ngumiti ito sa akin. Pinapasok ko na sila.
"Tita Selena!!!." Sigaw ni Sammy.
Tumakbo ito palapit kay Selena at niyakap. Spoiled iyan kay besh. Narinig kong may kumatok na naman. Pagkabukas ko ay napangiti ako kung sino iyon.
"Mama."
Nakipagbeso ako.
Ang mama ni Clinton.
Ngumiti siya sa akin.
"Kamusta ang buhay may asawa. Di ka naman pinapahirapan ng anak ko?" Tanong niya
Umiling ako.
"Hindi naman po. Pasok po kayo."
Pinapasok ko na siya.
"Lala!!" Sigaw ni Sammy.
Napangiti ako ng magyakap ang mag-lola. Maya-maya may naramdaman akong yumakap sa akin patalikod. Si Clinton.
"Oh! Nandito ka na pala." Sabi ko.
Hinalikan niya ang batok ko."I miss you." Bulong niya.
Napangiti ako. Kahit na marami ang nangyari sa pagsasama namin. Naging matatag kami.
"I love you." Sabi ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you more.." Sabi niya.
The End
(Author: Lame ng ending, anyway maraming salamat talaga sa nagbasa ng story ko. Nakakataba ng puso ang mga comment niyo. Balak kong isulat ang kwento ni Selena (Trixie's Bestfriend) para malaman niyo kung sino nakatuluyan niya. Comment kayo kung gusto niyo. Again.. Thank you. 💕💕)
YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
RomansaWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?