Love?

14 1 0
                                    

Trixie POV

Naging maganda naman ang takbo ng mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Naging mas malambing si Clinton sa akin. At todo alaga siya sa akin. Minsan nga nasusungitan ko siya, alam niyo na pregnant thing. Pero naging mapag-unawa siya na siyang ikinatuwa ko. Nandito ako ngayon sa faculty. Tinatapos ko lang ang lesson plan ko. Nagdesisyon akong lumabas muna at bumili ng makakain. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Dave. Ilang linggo ko na rin siyang di nakita.

"Trixie! Kamusta ka na?" Bati niya sa akin.

"Ok naman." Sagot ko.

Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad palabas ng gate. Nalaman kong may crush siya sa akin. Nang makalabas na kami ay naghiwalay na kami ng destinasiyon. Bumili ako ng tinapay sa malapit na bakery. Nang pabalik na ako sa school ay may biglang humarang sa akin na isang babaeng mga nasa 40's na. At halos lahat ata ng suot niya ay branded.

"Can we talk, Ms. Trixie Reyes" seryoso niyang sabi.

Nandito kami sa cafe na malapit sa school. Kaharap ko yung babae.

"Let me introduce myself to you, I'm Clinton's Mother." Diretso niyang sabi.

Nabigla ako pero di ko pinahalata. Inaasahan ko na ito.

"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Layuan mo ang anak ko." Sabi nito.

Huminga ako ng malalim. Parang nasa pelikula lang kami ah. At tumingin ng diretso sa kaniya.

"Mahal ko po ang anak niyo" sabi ko.

Nagalit ang babae.

"Ang kapal ng mukha mo. Hindi ka nababagay sa anak ko. Gumising ka nga sa kahibangan mo!! O baka naman pera lang ang habol mo sa kaniya. Magkano ba ang kailangan mo?" Sabi niya.

Pinigilan ko ang sarili kong sumigaw. Kahit papaano ina siya ng taong mahal ko.

"Di ko po kailangan ng pera. Hindi po materyales ang habol ko sa anak niyo." Lakas-loob kong sabi.

Tumayo siya at binuhusan ako ng tubig. Tsaka sinampal ako. Namanhid ang buong mukha ko.

"Magpapakasal na siya sa iba. At di mo iyon mapipigilan." Sabi niya.

Kumirot ang puso ko ng kaunti. Maiisip ko pa lang siyang ikasal sa iba ay di ko na kaya. Pero may tiwala ako sa kaniya.

"Kahit ano pong sabihin at gawin niyo, di ko po siya lalayuan." Sabi ko.

Tsaka ako tumayo at lumabas. Nag-aalala ako sa anak ko. Baka mapahamak pa siya kapag nanatili ako dito.
Naglakad na ako pabalik sa school.

**
Napaupo ako sa aking sofa. Tatlong linggo nang hindi napaparamdam si Clinton.

May nagawa ba akong masama?

Nagbabadya na naman ang luha sa mata ko. Pinigilan ko ito. Bawal ako ma-istress. Pero nakakainis lang di man lang siya mag text kung nasaan siya. Namimiss ko na siya. Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Muntik ko nang maibato ang cellphone ko sa inis nang hindi siya sumasagot. Napagdesisyonan ko na pumunta sa condo niya. Kahit nakakatrauma dun pumunta ay binalewala ko iyon. Pagkarating ko dun ay walang tao.

Clinton...

Nasaan ka na ba?

May nagtext sa akin. Napangiti ako ng makita kong si Clinton ang nag text. Pero napawi ang ngiti ko ng mabasa ko ang mensahe.

From: Clinton 💕

Let's break up.

Napaluha na lang ako. Umiling ako.

Hindi!

Hindi ganito si Clinton.

May tiwala ako sa kaniya.

Dali-dali akong pumunta sa counter para hingin ang information ni Clinton. Pumunta ako sa isang kompaniya. Pumasok ako at tinanong kung nasaan si Clinton. Sabi nila nasa itaas daw. Nagkaroon ng pag-asa sa puso ko ng marinig iyon. Agad akong umakyat at binuksan ang pinto ng office niya. Halos mawalan ako ng balanse ng makita ko si Clinton...

Na may kasama na namang babae.

At....

Naghahalikan sila.

Nakuha ko ang atensyon nila. Tumingin lang si Clinton sa akin ng walang emosiyon at sinambit ang mga katagang.....

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Malamig niyang tugon.

One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)Where stories live. Discover now