Trixie POV
Nakaupo kami sa isang table sa Jollibee. Gutom na daw ang bata. Tumingin ako sa nasa harap ko ngayon. Ang lalaking ito. Gusto kong tumakbo kanina nang makita ko siya. Di ko pa rin nakakalimutan ang gabing iyon.Naku!! Si Selena.
Naalala ko lang siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Selena.
To: Selena
Besh!! Nasaan ka? Umuwi na ako.
Sent
Tumingin naman ako sa harap ko. Halos lumundag ang puso ko sa gulat na nakatingin pala ang lalaki sa akin. Titig na titig na tila ba pag tinanggal niya iyon ay makakawala ako. Umiwas ako ng tingin. Saktong dumating ang order. Nakakahiya naman.
"Ahh! I think I should go--"
Naputol ang aking sinasabi ng magsalita siya.
"Eat" malamig niyang sabi.
Ewan ko ba! Pero nakita ko na lang ang sarili kong kumakain. Ang dami niyang inorder. Tiningnan ko si Princess. Masaya siyang kumakain. Napangiti ako. Lumingon ito sa akin.
"Ate Trixie, are you a teacher?" Tanong niya.
"How do you know?"
"Nakita ko po ang I.D niyo kanina" sabi niya habang kumakain pa din.
"Ahhh! Yeah! I'm a teacher" ngiti kong sabi.
"So, you have a lover already?" Inosente nitong tanong.
Muntik na akong mabulunan sa tanong nito. Tumawa ako ng pilit. Tumingin ng pasimple sa lalaki na kanina pa nakatitig sa akin.
"Bakit mo naman nasabi na may lover na ako?" Tanong ko.
"My teacher have a lover" sabi nito.
"Ahhhhh!" Nasabi ko na lang.
Nagulat naman ako nang magsalita ang lalaki.
"So, you have a lover?" Tanong niya sa akin.
"Ahh? That's personal question" sabi ko.
"Why? You have?" Galit na sabi nito.
Anong problema nito?
"Ahhh?? Hehehe"
Nag ring ang cellphone ko.
Selena! Thank god!
"Sagutin ko lang ito" sabi ko.
At dali-daling naglakad papuntang Cr. Sinagot ko ang tawag.
"Besh! Sorry! Di na kita napuntahan. May emergency kasi ako" sabi niya.
"It's ok. Nothing to worry. It's important." Sabi ko.
"Babawi talaga ako sayo ha... Sige na! Bye." Pinatay na niya.
Pagkatapos ng tawag ay tumalikod na ako para bumalik pero nabunggo ako sa isang pader. Hindi pala isang pader, isang tao.
"Bakit di mo sinasagot ang tanong ko kanina?" Tanong niya.
"It's none of your business, Mr." Masungit kong sabi.
Lalagpasan ko na sana siya nang higitin niya ako at sinandal sa pader. Buti na lang madilim ang lugar na ito.
"Ano ba--"
Naputol ang sinasabi ko dahil hinalikan niya ako ng marahas. Napatulala na lang ako. Hanggang sa humiwalay siya.
"Kahit meron kang boyfriend o wala... Akin ka!" Malambing niyang sabi.
Niyakap niya ako.
"D*mn! I miss you!" Sabi niya habang nakabaon ang mukha sa leeg ko.
Oh! God ano ba itong nagyayari!!!!!
Trixie POV
Nakabalik na kami sa table namin. Awkward pa rin ako sa kaniya. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami. Napatingin ako sa relo ko. 7:00 na pala ng gabi. Humarap ako sa kanila. Ngumiti ako sa bata."Uuna na ako. Sige."
Tatalikod na sana ako ng magsalita yung lalaki. (Na hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan)
"Hatid na kita" maawtoridad niyang sabi.
"Naku! Huwag na---"
"Let's go" at dumiretso siya sa parking lot ng Mall.
Wala naman akong nagawa. Sumunod na lamang ako. Sumakay na kami. Nasa passenger seat ako at yung bata naman ay sa likod. Mukhang pagod na ang bata dahil nakatulog na agad. Habang nagdadrive siya ay bigla siyang nagsalita.
"Bakit ka umalis ng araw na iyon?" Tanong niya.
Napigil ang paghinga ko ng buksan niya ang topic na iyon. Grabe! Nagtatanong pa siya eh malamang aalis ako, ikaw ba naman ang mapunta sa sitwasyon ko. Huminga muna ako ng malalim.
"Huwag na nating pag-usapan iyon" sagot ko.
"Ok. Bigay mo na lang ang cellphone no. Mo sa akin"
Napatingin ako sa kaniya.
Unbelievable!
Inirapan ko siya.
"At bakit ko naman ibibigay sayo? Di naman kita kilala." Masungit kong sabi sa kaniya.
"Hindi ko na hahayaang makawala ka." Tanging sagot niya.
Sumulyap siya sa akin.
Kitang-kita ko kung paano umigting ang mga panga niya sa galit. Bakit siya nagagalit? Ano ba ang nagawa ko sa kaniya. Binalik niya ang tingin sa daan. Di ko nalang siya pinansin at sinulit ang oras sa pagtingin sa labas. Pinikit ko ang mata ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Napadilat ako at napatingin sa kaniya. Sinabi ko na nga pala ang address ng bahay namin. Ewan ko ba kung bakit nagtitiwala ako sa kaniya. Pero habang patagal ng patagal nag-iiba ang daan na tinatahak namin. May tinawagan siya sa cellphone niya. May kinausap siya sandali. Nang pinatay na niya ang cellphone tsaka ako nagsalita.
"Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko" kalmado kong sabi.
"Mag-uusap muna tayo ng masinsinan bago kita ihatid sa inyo." Sabi niya.
Tumahimik na lang ako dahil kapag sinagot ko siya ay masigawan ko pa siya. Natutulog pa naman yung bata. Napatingin ako kay Princess. Ang cute niya matulog. Tumigil kami sa isang bahay. Simple lang ang bahay. Lumabas sa gate ang isang magandang babae.

YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
RomanceWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?