Trixie POV
Matapos ang eksenang iyon ay inuwi na ako ni Clinton. Pagpasok ko sa kwarto, dumiretso agad ako sa kama ko.Hay...
Nakakapagod ang araw na ito. Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at pinakiramdaman ang pagtibok ng puso ko. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nung nagbreak kami ni Xander. Napatawa na lang ako.
Di ko na maiitanggi....
Gusto ko na rin si Clinton. Magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Para bang kapag nasa tabi ko lang siya, safe na safe ako. Pero di ko pa siya lubusang kilala. Di pa ngayon ang tamang oras. Di pa ngayon...
Clinton POV
Nakangiti akong pumasok sa condo ko. Ang saya saya ko ngayon. Para na akong tanga na mag-isang nakangiti.Nagshower muna ako bago humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko at lumitaw ang nakangiting mukha ni Trixie. Napamulat ako ng may magdoor bell. Nagtaka ako. Sino naman ang bibisita sa akin? Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang babaeng kinulang sa tela ang damit.
Tsk! Mas maganda pa ang Trixie ko.
"Hi! Clinton" malanding bati niya sa akin.
"What are you doing here? Sabrina.." Malamig na sabi ko.
She's my ex.
Yes pumatol ako sa babaeng ito.
Dati di naman siya ganito manamit. Ordinaryo lang siyang babae. Kaya ko siya minahal pero nagbago ang lahat ng nakipagbreak siya sa akin. At alam niyo ba ang dahilan? Gusto lang niya makatikim ng ibang lalaki. Buti nga nakamove on na ako dito. Pero isang araw sumulpot na lang siya, na gusto niyang makipagbalikan.
Psh! Asa siya.
"Leave" sabay sarado ko ng pinto.
Kumatok siya ng kumatok.
"Clinton! Please! Let me explain. I still love you. I really do. Clinton!!" Patuloy lang siyang nagsisigaw.
Pinindot ko ang call button.
"Guards! May nanggugulo dito sa condo ko."
Pinatay ko na. Humiga na ako at pumikit.
Di na pwede...
Dahil may Trixie na ako.
Di ko namamalayan na nakatulog na ako.
Trixie POV
Lumipas ang buwan ng mapayapa--- teka mapayapa nga ba? Paano ba naman kasi halos araw-araw ako pinupuntahan ni Clinton. Sineryoso niya ang panliligaw niya sa akin. At napatunayan niya iyon.Sa isang buwan na iyon ay nalaman ko sa sarili kong....
Mahal ko na siya.
Oo mahal, as in love.
Di ko pa alam ang ilang bagay na personal sa kaniya. Pero ang alam ko lang isa siyang mabait, mapagmahal at possessive na manliligaw. At di ko mapigilan i compare siya kay Xander. Napakasweet kasi nito at talagang wala ka nang ibang hahanapin pa. Sino ba naman ako para di ma fall. Sana nga siya na ang last. Sana nga di niya ako saktan baka kasi kapag nangyari yun, di ko na kayang magmahal ulit. Anyway, ngayon ang birthday niya.
Paano ko nalaman?
Syempre, I have my own ways hehehehe nahahawa na ako kay Clinton.
Back to the topic, birthday niya ngayon at inimbitahan ko siya na pumunta sa bahay ko. Susurprise ko siya. Tsaka sasagutin ko na siya. Iyon ang birthday gift ko sa kaniya. Nagluto ako ng marami at bumili din ng cake. Napatakip ako ng ilong ng maamoy ko ang chocolate. Nababahuan ako sa amoy niya. Ang weird nga eh. Tuwing umaga lagi akong nahihilo. Tsaka kumakain ako ng hindi ko naman kinakain noon. Siguro nga weird talaga ako hehehe. Tinext ko siya kung nasaan na siya. Tiningnan ko ang oras 10:30 pm na. Nasaan na siya. Di siya nagrereply at sumasagot sa tawag ko. Siguro di pa siya tapos mag trabaho. Pero kanina pang 6:00 ang uwi niya. Naiiyak na ako. Ewan ko ba! Nitong mga nakaraang araw ay nagiging emotional na ako. Naghintay pa ako ng naghintay hanggang sa nag ala una na. Bakit di siya dumating? Baka may nangyaring masama sa kaniya? Dali dali akong lumabas at pumara ng taxi. Sinabi ko address ng condo ni Clinton.
Pagkarating ko dun ay nakasarado ang pinto. Pinindot ko ang code ng pinto. Binigay niya sa akin ang password ng door niya baka sakali daw na mamiss ko siya. Pagkabukas ko nakita kong nagkalat ang mga hinubad niyang damit. Pero nahigit ang hininga ko ng makita ko ang damit ng babae. Kanino ito? Di naman ito sa akin. Napatingin ako sa kwarto. Bukas iyon kaya dali dali akong pumasok. Pero parang binagsakan ako ng langit sa nakita ko....
S-si C-clinton natutulog ng mahimbing habang......
May nakayap sa kaniyang babae.
Tumulo ang luha ko.
Bakit?
Akala ko ok kami.
Tuloy tuloy ang luha sa aking mata. Balak ko sana siyang gisingin pero.... Ano ba niya ako? Di pa naman kami. Siguro nagsawa na siya sa akin maghintay kaya nagawa niya ito. Pinilit kong ihakbang ang paa ko palabas ng pinto. Kailangan kong umalis dahil baka magising pa sila at maistorbo. Tuloy tuloy ako sa paglalakad palabas ng building. Pumara ako ng taxi. Di ko alam kung saan ako pupunta.
Selena.... Kay Selena.

YOU ARE READING
One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)
RomanceWhat if sa di mo inaasahang pangyayari ay biglang magbago ang iyong buhay dahil lang sa isang gabi na gumugulo sa isip mo araw-araw gabi-gabi? Ready ka bang pumasok sa magulong buhay ng isang lalaking gumugulo din sa buhay mo?