His Act

20 1 0
                                    

Trixie POV

Sino ito? Girlfriend ba niya? May girlfriend na pala siya-- teka ano ba itong sinasabi ko. Hays... Dumungaw siya sa bintana.
Ngumiti siya sa akin. At tiningnan ang bata na natutulog.

"Naku! Mukhang napagod ang anak ko!"

Tsaka niya binuhat ang bata.

Teka... Anak? Siya ang nanay ni Princess. Ang bata pa niya ah? Parang nasa 20s pa lang siya.

"Sige! Clinton salamat sa pagbabantay kay Princess. Babawi ako sayo! Bye." Paalam ng babae.

"Sige,Ate Sheena" sagot naman ni Clinton

Ate? Kapatid niya yung babae. Ang ganda at gwapo ng lahi nila ha. Umandar na ang sasakyan. Maya maya ay di na ako nakatiis at nagsalita na.
"Saan ba tayo pupunta? Pwede naman dito tayo mag-usap ah" inis na tanong ko sa kaniya.

"In my place" tanging sagot lang niya.

Di na ako sumagot. Nang makarating kami sa isang building. Teka-- ito yung---

"You're right. Dito kita dinala nung gabing iyon" sabi niya na tila nabasa niya ang aking sinasabi.

Hinigit niya ako at tuloy tuloy na pumasok.
May mga bumabati sa kaniya pero wala ni isang pinansin dun.

Ang sungit!

Nang makarating kami sa isang room ay agad niya itong binuksan at pumasok doon. Syempre hawak niya ako kaya napapasok din ako. Umupo siya sa sofa. Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Plain lang siya na black at white. Ang boring naman ng taong ito.

"Sit here"

Napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. Umupo ako pero malayo sa kaniya.

"Anong gusto mong pag-usapan?"
Tanong ko ng di nakatingin sa kanya.

Di siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na tila binabasa niya ako. Maya maya tumayo siya at tumabi sa akin. Nakatingin lang ako sa kaniya. Ganun din siya. Maya maya ay nagsalita siya.

"My name is Clinton. Clinton Gomez" simula niya.

"You?" Dugtong pa niya.

"Trixie.. Trixie Reyes" sagot ko.

Ngumiti siya. Ang ganda ng ngiti niya. Marunong pala ngumiti ang isang ito.

"Why are you smiling?" Tanong ko.

"Nothing... I'm just happy to see you... Again" sabi niya.

Umiwas ako ng tingin. Ano ba yan?! Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Kakabreak ko pa lang kay Xander eh.

"So, answer me.. Do you have a boyfriend?" Tanong niya.

"Ahhh... Wala" sagot ko sa kaniya.

Nakita kong ngumiti siya ng abot tenga.

"Ok, that's good. By the way, nauuhaw ka ba? O may gusto kang kainin? Tell me." Sabi niya.

"Ok lang ako" sagot ko.

One Night Stand W/ HIM (Short Story)(COMPLETED)Where stories live. Discover now