DANI's POV
I wasn't feeling confident when I submitted my test paper to my adviser.
Tinignan ako ni Miss Mendez bago niya kuhanin ang papel ko. "Are you sure you don't want to review your answers?"
Umiling ako. "I'm good na po."
Pag pinatagal ko pa ang test paper ko, mago-overthink pa ako sa mga sagot. Might as well submit it now.
"Alright." Kinuha na ni Ma'am ang papel ko't bumalik na ako sa upuan. I felt Winona's gaze. Hindi pa siya tapos.
"Fifteen minutes left and then we'll have the next subject." The room was filled with gasps and groans. "Tick-tock, class. Hurry up."
"Shit," narinig kong bulong ni Winona at napatingin ulit ako sa kanya. Tinignan ko sandali kung saang number na siya.
She has ten more items to answer. Sinenyasan ko siya sa kamay ng mga sagot. For about five items. Of course we were careful.
Hanggang sa siya ang sumunod na natapos. Nakasalubong niya si Izrajel na tumayo na rin. I saw how she smiled up at him.
"Mahirap?" I heard her say.
"Sakto lang."
"Buti ka pa." Nakangising sagot ni Winona nang bumalik na siya sa upuan.
Sumunod na subject, Math. We have to submit our scratch paper for the solutions as well. It was 70 items. Ang sakit sa ulo.
We were given an hour and a half for Math. I finished it within forty-two minutes.
Sumunod si Winona na ang laki ng ngiti. Magaling rin siya sa Math at wala siyang problema sa pagso-solve with the whole equations.
I suddenly got worried with Airen.
Medyo matagal siyang magsagot. Last minute na siyang nagpasa sa English kanina, at huli rin siyang nagpasa ngayon ng papel.
I stared up at him and he just gave me his reassuring smile.
--
"Saan tayo? Saan tayo?" Tanong ni Winona sa akin habang chine-check ko ang reviewer ko pagkatapos ng dalawang tests. "Hello, Earth to Dani! Hindi ka ba gutom?"
"Gutom. Wait lang." Napakagat ako ng labi. I got some answers mixed up. Shit. May mga ilang sagot akong hindi ko pa sigurado.
"Mamaya na 'yan, kain na muna tayo!" Hinila na niya ako sa cafeteria tapos bumili na kami ng kakainin.
"Let's eat at our spot, Nona." Yaya ko sa kanya pero ayaw niya gumalaw.
"No. Dito na lang tayo. Nagugutom ako." Sabi niya habang kumakagat sa corndog. Mukhang may balak na naman siyang kumain ng marami.
BINABASA MO ANG
Be the First
Teen FictionWhat Dani wants, Dani gets - with both hard work and excellence. Daniella Miel 'Dani' Samaniego has always been the first and the best in everything. Matalino. Talented. Goal-driven. Competitive. Kaya hindi na nakakapagtakang isa siya sa mga acceler...
