41 : Walking Contradiction

105 4 6
                                        

TW: This chapter includes scenes that deal with suicide. It may be difficult to some readers. Please engage in self-care as you read.




IZRAJEL's POV



"Kuya, tignan mo. Okay ba?" Nahinto ako sa pagta-type ng essay sa laptop ko nang magsalita si Erah. May hawak siyang papel, at nakasulat doon ang score niya sa exam.



"Wow. Ninety-five! Good job." Sabi ko habang ginugulo ang bangs niya. Umiwas naman siya agad dahil ayaw niya sa lahat ay ginugulo ang buhok niya. "Ang galing talaga ng kapatid ko!"


"Kuya naman! 'Yung braids ko! Lagot ka kay Marmee!" Sigaw niya sabay hampas sa braso ko. "Marmee! Marmee! Si Kuya! Ginugulo ang buhok ko!"



"Iz. 'Wag mong inisin ang bunso natin." Pumasok sa kwarto si Marmee, ang dati naming foster parent na ngayon ay legal parent na namin. After years of searching for love and home, we found it in Marmee's.



Masuwerte pa rin kaming magkapatid, kahit na noong una, parang pinagkaitan kami ng bait ng langit. Akala ko mapapariwara ang buhay namin ni Erah nang matapos mamatay sina Mama at Papa.



Naaalala ko pa ang mga panahon na nasa shelter pa kami noon.


I worked my ass off at the shelter. Day and night. Tagalinis. Utusan. Dapat magustuhan kami ng mga tao sa shelter, para siguradong magtatagal kami ni Erah. Kaya lahat ng pagpapabibo, ginawa ko.


Ganoon rin ang tinatak ni Erah sa isip niya. Kailangan laging siya ang pinakamagaling at pinakamatalino.



Para kahit anong hiling namin kay Sister Greta, pagbibigyan niya kami.



Para kahit na may mga dumating na magaampon at ako lang ang gustong kunin, makakahiling ako na isama si Erah. At hindi ako matatanggihan ni Sister. Because I was a good kid.



At kung sakali, baka sakali, makakatagpo kami ni Erah ng tahanan at pamilya na magmamahal at tatanggap sa amin.



Sobrang bata pa lang ni Erah. At gusto kong magbago ang buhay niya. She is a brilliant, talented kid. Manang-mana sa Papa ko. Ayokong masayang ang potensyal ng kapatid ko dahil alam kong may ikakaganda pa ang buhay namin kesa sa buhay sa shelter.



Laking pasasalamat ko nang maging foster parent namin si Marmee, o si Mrs. Meran. Isang biyuda at walang anak. Kinapalan ko na kaagad ang mukha ko at humiling na kung hindi kukunin si Erah, hindi ako magpapaampon.



Para kaming naka-jackpot ng kapatid ko nang tuluyan na niya kaming ampunin. Sobrang saya ng araw na 'yon. Para kaming nginitian ng langit.



Mabait si Marmee, at wala akong masabi sa pusong meron siya. Tinuturing niya kaming parang sarili niyang anak. Sinuportahan niya kami sa lahat ng bagay, at napunan niya ang malaking uwang sa buhay namin ni Erah.


Nakakamangha na isipin na kaya kaming mahalin ng estrangherong hindi namin kaano-ano.



Hindi nagtagal, napansin ni Marmee ang talino ni Erah. Kaya siya ang tinutukan ni Marmee sa lahat ng bagay. Kasa-kasama siya tuwing may contest o activity sa school. She's a stage mother who really loves supporting an overachiever like Erah.



Be the First Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon