SECOND QUARTER came in fast and along with it came a hurricane.
Siyam ang nawala sa Pilot Class at napalitan 'yon ng mga estudyanteng galing sa ibang section. Tulad ni Stella at ang dalawang kaibigan niya galing section A.
This quarter, nag-umpisa na rin ang panay performance tasks ng iba't ibang subjects. Reporting here and there, group and solo activities, roleplaying, video/film making, lahat na.
In short, busy days have commenced at Brighton Academy.
"Grabe, dumoble na ang eyebags ko." Nakasimangot si Winona nang ibaba niya ang maliit niyang compact mirror. "Three hours lang ang tulog ko kanina."
"Sino bang hindi puyat? Pakita mo sa'kin." Sabat naman ni Matias habang nakapalumbaba siya sa mesa ng Student's Corner.
Nakahatag ang mga pagkain namin, pero walang gustong kumain. Well, the twins came over ten minutes ago to share their food. Mabilis silang kumain pero umalis na rin kaagad.
Airen was busy with his new groupmates in English. Mamaya kasi may group presentation at sila ang naka-assign today kaya wala siya dito para kumain.
I'm actually busy reading a book while hearing these two complain. "Dani. Bukas na lang tayo mag-asikaso sa report natin sa AP, ha? May club pa after-class at 'di na keri ng braincells ko."
I closed the book for a moment and made my finger its bookmark. "Ngayon na lang natin gawin, gusto mo?"
Inirapan niya ako kaagad at bumuga siya nang hininga. "I know Dani, bumabawi ka. Pero hindi tayo pwedeng mag-start ng gawain ng wala si--"
"Then have Izrajel come over here then. Para mapag-usapan na natin habang kumakain."
Ako kasi ang leader ngayon sa reporting sa AP. We were grouped into three. Ako, si Izrajel at Winona. This coming Friday na ang schedule namin magreport pero hindi pa kami nakakapagusap ng kahit ano.
Plus, Izrajel doesn't come over here at our spot anymore.
Nagsimula 'yon nang siya ang ma-announce na Rank 1 ngayon sa buong Grade Nine. I'm still bitter, yes, pero hindi ko siya sinabihan na lumayo sa grupo.
He sort of just faded himself away. I don't know. Maybe he's always been a lone wolf.
"Hinahanap nga namin siya kung saan siya naglalagi." Sagot ni Matias nang hindi makapagsalita si Winona. "Malay ba namin kung saan nagsusuot 'yung lalaking 'yon."
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Both of them are actually looking so tired and used up. Grabe ang pasok ng second quarter ngayon sa amin. Even I didn't get to sleep a wink last night.
Alas kwatro na ako natapos sa mga gawain ko at hindi ko na inabalang pumikit dahil gagayak na rin ako sa school.
"Okay," I finally said. May kinuha akong papel at binigay 'yon kay Nona. "Bigay mo na lang kay Izrajel sa room." Sabi ko sabay abot ng outlines na naghahati ng parts namin sa reporting.
BINABASA MO ANG
Be the First
Teen FictionWhat Dani wants, Dani gets - with both hard work and excellence. Daniella Miel 'Dani' Samaniego has always been the first and the best in everything. Matalino. Talented. Goal-driven. Competitive. Kaya hindi na nakakapagtakang isa siya sa mga acceler...
