36 : Breaking Free

43 3 0
                                        


DANI's POV

Last two days of suspension. Paalala ko sa sarili ko pagdilat ng mata ko. I quickly glanced at the clock. Nine fifty. Way to go.



There was a loud knock at my door before it slammed open. Hindi ko na nilingon dahil alam kong si Mom iyon. And I know she's mad. "Hindi ka na naman sumabay sa amin kumain sa baba ng almusal."



I sighed. Sinubukan kong magkumot na lang ulit, pero nahila agad 'yon ni Mom. "You've been like this for weeks, Dani! I get it. Masama ang loob mo dahil sa desisyon ng Dad mo at hanggang ngayon hindi pa kayo okay. But you didn't have to be this stubborn!"



Pinilit ko na lang ang sarili kong tumayo para magkulong sa bathroom. Pero sinundan ako ni Mom at naharangan niya ang pintuan bago ko pa maisara. "Mom! Please."



"I don't like this attitude, little lady. This isn't like you." Napairap ako sa kawalan nang sabihin na naman niya ang linyang 'yon. "You and your Dad are giving me so much headache! Parehas talaga kayo ng ugali kapag tinotopak! Ugh!"



Hinila niya ang pinto at siya na lang nagsara nang padabog. "I swear to God! Suko na ako sa inyong mag-ama!"



Medyo naawa ako kay Mom nang magpatuloy siyang magbunganga hanggang paglabas niya ng kwarto ko. Kaagad akong naligo at nagsipilyo.



It's a Saturday. Dahil walang pasok si Izrajel, and me being still on suspension, he invited me to go see a movie. Sulitin mo ang mga araw na walang pasok, you'll miss it when you go back. Naalala kong sabi niya sa akin.



Staring at the mirror, I made sure I've put on the right amount of blush on. Tinignan ko nang paulit ulit ang hitsura ng suot kong light blue dress at white cardigan bago ako lumabas ng kwarto.



Masyado akong nako-conscious sa hitsura ko mula nang maging mas close kami ni Izrajel. Nag-umpisa lang ito no'ng halikan niya ako. It was a fleeting moment, but the memory of my first kiss is imprinted in me.



Downstairs, I can still hear my Mom's rants. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Nakalimutan kong Sabado pala ngayon, at hindi sasama si Mom na bumisita sa mga steak house branches namin. Darn it.



"Oh, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Mom nang magpakita ako sa kusina. Gutom na kasi ako at kumuha ako saglit ng saging. Mom looked at me from my clips down to my white sneakers. "Hindi mo sinabing aalis ka."



Medyo kumalma na ang boses ni Mom. Paano naman kasi, may hawak na naman siyang isang baso ng tsaa. "I will meet my friend." Tahimik kong sagot. "I'll be back after three hours."



Huminga nang malalim si Mom saka niya ako inilingan. "Hindi dumaan sa Dad mo 'to, Dani. You know the rule. Bakit hindi ka nagpaalam sa amin ng maayos?"



I bit the insides of my cheek. Wala naman kasi talaga sa plano ko ang magpaalam. Akala ko lang talaga wala rin si Mom today. "Sorry, Mom. I forgot."



Matagal akong tinignan ni Mom. "Can I drive you to the mall, then? Sino ba ang kasama mo?"



This is the tricky part. "Si Mary." Pagsisinungaling ko. Lalong tumaas ang kilay niya sa di pamilyar na pangalan. "Remember when I filled in for Airen na magtrabaho sa cafe kung saan siya nag-part time? I met Mary there. Cashier siya doon. Nabili na niya kasi ang tickets kaya--"



Be the First Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon