31 : On My Own

39 3 0
                                        


WINONA's POV

 

Stella
Good morning~~
Today is the big day, Eponine!
This is it! Let's break a leg!
See you, sissy xoxo


Ilang beses kong binasa ang message ni Stella pagkagising ko. I checked the time. 7:58 am. Ang aga ko masyadong nagising.


I'm so excited for tonight's show!


Nag-unat na ko at binasa ko ulit ng buong script ko bilang si Eponine. I did a little vocal exercise before practicing my solo song for later.


Nagulat ako nang magbukas ang pinto bigla. "Nona? Keep it down, will you? Ngayon pa lang ako matutulog." Bungad sa akin ni Kuya Thomas na mukhang puyat na puyat.


"Okay, sorry." I giggled. "Hindi ka ba manonood ng play namin mamaya?"


"I will, if you let me sleep?" Sabi niya. I jumped in excitement.


"Okay! Quiet na ko! Behave na!"


"You're still shouting." He said as he went back to his room. Bumaba na lang ako sa sala para doon na lang mag-practice.


Nadatnan ko ang parents ko na nagkakape habang naguusap. "Good morning." Bati ko sa kanila at dali-daling yumakap kay Daddy. Natuwa ako kasi hindi siya nakasuot ng usual working clothes niya.


It means he's taken a day off work to watch me tonight!


"Good morning to you, princess." He gave me a quick kiss on the forehead before I pull out a chair. At nagsisi naman akong pumwesto sa harapan ni Mommy.


Her morning glare is her way to say good morning to me. "Wala kayong klase ngayon, diba? Ang aga mo pa rin magising. Mamaya pa namang hapon ang drama play ninyo, right?" Sabi niya sa akin.


I shrugged. "I have to prepare. I have to be at school 3 hours before the play. Magkikita pa kami mamaya ni Stella. Mommy looked confused. "She's my friend. Kasama ko sa play. She's the lead role."


"Oh." She nodded as she took a sip from her cup. "The new friend."


Mabigat at makahulugan ang tingin ni Mommy kay Daddy kaya alam ko nang pinag-usapan na nila ang tungkol sa nangyaring gulo sa amin ni Dani last week.


They're giving me a look that says we have to something to talk about.


Tumayo ako bigla. "Okay, maybe I'll eat later. Hindi pa naman ako gutom--"


"Winona Jade, sit down." Utos ni Mommy at bakas sa boses niya na hindi pa rin nawawala ang galit niya mula noong pinatawag siya sa Principal's office.


I groaned. "Mom. Please. Can we talk later? Or bukas? 'Wag lang ngayon--"


"Kakauwi lang ng Dad mo, and we have to talk about it. Sit back down." Pamimilit ni Mommy. "Samuel, get her to talk." Sabi niya kay Dad.


Napahinga nang malalim si Dad saka niya sinenyas ang upuan ko. "Princess. We'll just talk calmly about this. Please take a seat."


I stared at the both of them. One is angry, the other is so worried and confused. I never wanted to rebel, pero parang hinihingi ng pagkakataon.


"Pwede bang ibigay niyo na sa akin ang araw na 'to? Today is my day. I don't want to talk about Dani. Palagi na lang si Dani!"


"Ngayon lang tayo makakapag-usap, Winona. Alam mong kararating lang ng Daddy mo. You have to explain why you behaved like that with Dani. We know you both are like sisters--"


Be the First Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon