42 : Can't Be Tamed

54 6 2
                                        


DANI's POV

It was impossible to see Izrajel after the Retreat Camp.


Ilang beses ko nang sinubukan na sadyain siya sa Journalism office at sa school gymnasium after class, pero lagi siyang wala. He no longer hangs out at our secret spot anymore. I can't see him during breaks and lunch time, dahil isang mahabang computer lab ang pagitan ng room namin. By the time I'd get there, he's gone.


Halatang ayaw niyang magpakita o magpahanap. Parang alam na niyang hahanapin ko siya para magpaliwanag. He knew I would still come to him. Kaya lumalayo siya.


"Tangina kasi ni Tasho eh, ang tamad tamad maningil!" Nilingon ko si Jea na nakasimangot habang hawak ang maliit na notebook. Nandito kami sa tapat ng classroom sa hallway.


I can't seem to remember why I'm standing here outside with her in the first place. Lately, I can't function well. Hindi ako makapag-focus. At pansin iyon ni Jea. "Dani, aware ka namang hindi ka pa nakakabayad sa ambagan, diba?" Tanong niya sa akin.


Ilang beses ko pang inulit ang tanong niya sa isip ko bago ko na-gets. Jea didn't seem to mind it. "Ambagan para saan?"


"May pa-contest si Goldilocks, diba? Pagandahan ng room for Halloween. May ambagan for decorations." She explained patiently. Parang kinalmahan niya pa ang pagsasalita. Na-appreciate ko si Jea lately, simula noong Retreat Camp na nakita niya akong umiyak, naging mas madaling kaibiganin siya.


"Ah. Yes." I took out my wallet and handed her five hundred pesos. Nangunot ang noo niya sa perang inabot ko. "Bakit? Kulang pa 'yan?"


"Hoy, Dani. Sinampal mo naman ako ng kayamanan mo. One fifty lang ang ambagan per head. Magkano lang naman ang mga cartolina papers."


I stopped her hand when she's about to count for a change. "Okay na 'yan. Mas maraming funds, mas maraming decorations."


She grinned at me. "Ayos! Salamat, Dani! Don't worry, ang Alpha ulit ang mananalo sa scariest classroom ever!" Napangiti ako. I remembered that Pilot Class has never won any room-decorating contests. Mga tamad at snobbish rin kasi ang klaseng 'yon pagdating sa inter-section competitions. Hindi ko alam na ganito pala ka-big deal ito sa regular classes.


It sounds like fun.


Nag-ring bigla ang bell na hudyat na tapos na ang lunch break namin. "Tara na sa loob, Dani." Hila na ako ni Jea nang mahagip ng tingin ko si Winona na naglalakad sa hallway. Pabalik na sila ni Stella sa classroom nila.


I stopped in my tracks when I saw Winona looked at me. Matagal kaming nagkatingin. It was a weird feeling. Wala na 'yung lungkot o inis. It was just plain indifference.


Did she even know about Stella and Izrajel plotting against me? Or she just didn't care anymore?


Nauna akong umiwas ng tingin saka pumasok sa loob ng Class Alpha. "Ano nga palang clubs mo?" Tanong sa akin ni Jea nang magtabi kami umupo habang naghihintay sa next subject. Nakipagpalit kasi si Tasho kay Jea ng upuan para makatabi ako. "Sakin, badminton saka parehas kaming nasa Film/Photography Club ni Tasho. Ikaw?"


I remembered the position I lost in Journalism Club. "Sa Arts Club. Wala na 'ko sa Journ, eh." Hindi nagsalita si Jea, pero parang pansin niyang may mahabang istorya ang huli kong sinabi. "Bakit mo pala natanong?"


Be the First Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon