22 : Special Day

59 3 0
                                        


Para matupad ang usapan namin ni Stella at maibalik ang kambal sa squad, kailangan kong sundin ang kondisyon ni Airen na pumalit sa shift niya sa Sweet Oasis Cafe.


Nagpa-part time pala si Airen dito kasama si Izrajel dalawang linggo na ang nakakalipas. Airen waits the tables and serves the customers every weekend.


At dahil kinuha ko ang oras niya ngayong Sabado para sa date nila ni Stella, kailangan kong pumalit at trabahuhin ang shift niya.


"Just go home, Dani." Sita sa akin ni Izrajel nang ipaliwanag ko ang mangyayari today. "Kagabi pa ko tumanggi sa idea ni Airen. This is serious business, 'wag kayo dito maglaro."


"No, no, wait." Hinila ko ang braso ni Izrajel. "Please? Ngayong araw lang naman ako papalit kay Airen."


He raised an eyebrow at me while his arms are crossed. "Marunong ka bang mag-serve ng customers?"


"Oo naman." Sabi ko sabay tango. "I can do this." Buti na lang dati na-try ko nang mag-serve ng steaks sa steakhouse nila Mom.


Noong hindi pa ako gaano busy nung Grade 7 ako, palagi akong nakatambay sa main branch ng steakhouse kasama si Mom at tumutulong akong mag-serve.


Mom trained me to be aware of the very reason why we can afford things. At kasama doon ang i-experience ang business na bumuhay sa pamilya namin noon hanggang ngayon.


"Your job starts in 10 minutes." Sabi niya habang nakatingin sa relo niya. Saka niya ako inabutan ng apron ng shop. "And it will end at nine o'clock in the evening."


"Got it. No problem." Sagot habang sinusuot ang apron.


"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"


"Pinagpaalam na ako ni Airen. I got it all taken care of." Nagtali na ako ng buhok at humarap na ulit sa kanya. Mamayang alas dos pa ang date ni Airen at Stella. "So, where would you like me to start?"


Napangiti konti ni Izrajel. "Alright. Since wala pang customers, start by sweeping the floor."


Sinunod ko ang utos niya. Wala namang kalat pero nagwalis pa rin ako. Inayos ko na rin ang mga nakataob na upuan sa tables since malapit nang magbukas.


Sumunod na dumating ang store cashier na si Mary. Hindi ko na nakita si Izrajel dahil malamang busy na siya sa kitchen. Nakipag-usap nalang ako kay Mary tungkol sa routine nila kapag nagsi-serve.


Twenty minutes after opening, may first customers nang dumating. Mag-asawa. They ordered two cups of coffee and a small black forest cake.


Hinahanda na ni Mary ang order nang biglang lumabas ng kitchen si Izrajel. Kukunin ko na sana ang order kaso inunahan niya ako. "I'll do it." Sabi niya.


"But that's my--" my shoulders sank as I watched him serve the couple. Maski dito sa shop nila, ayaw niyang magpatalo.


"Saka ka na lang kumilos kapag marami nang tao." He explained. Halata namang hindi siya tiwalang magagawa ko ang trabaho ni Airen.


"I'm not gonna mess it up, Meran." Sabi ko. "Hayaan mo na akong kumilos, please. I can do this."


Tinignan niya ako nang matagal saka siya umiling. "Two weeks pa lang si Airen at marami na siyang nabasag. I just can't afford more broken plates."



Natawa ako konti sa sinabi niya. Ang yabang ng Airen na 'yon tungkol sa part time job niya, tapos panay nababasagan siya. Izrajel didn't find humor in it.


Be the First Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon