5 : What Rhymes with Heralds?

78 4 0
                                        

One week after...


"Vote straight, vote wisely! Vote for Party-Party!" Sigaw ni Airen at ng iba niyang mga kasama sa loob ng cafeteria nang sumapit ang breaktime. He and his group are now busy handing out their yellow flyers to the students of Brighton.

"Naubos na 'yung copies ko, ate." Sabi sa akin ni Cienna pagkalapit niya. "Nakipag-usap na ko sa section namin. Half of them promised to vote for us."

"The best ka talaga, Cienna." Sabi ko sabay abot pa sa kanya ng maraming kopya ng flyers namin. Sumunod na lumapit sa akin si Matias na pawis na pawis.

"Pres," tawag niya sa akin. "May suggestion ako."

"Save it later." Dinagdagan ko pa ang hawak niyang flyers. "May meeting naman mamaya—"

"Sasabihin ko na, baka mawala pa sa isip ko." Tapos bigla niyang tinuro ang kampo nina Airen sa kabilang side ng cafeteria na napapaligiran ng mga babae. "We need a jingle. Anything na catchy katulad ng sa partylist nila."

Tumango ako. "Winona is working on it."

"Bakit si Winona? Kasama ba natin siya sa partylist?"

"Ehem." Nilingon naming ang singkit na kulot kong kaibigan. "Excuse you, Matty. Ako lang naman ang campaign manager ng The Heralds."

Parang hindi naniniwala si Matias. "Kelan pa?" I never thought he would really be serious for this position. Maski siguro siya, napi-pressure nang pataubin ang malakas na impact ng Party-Partylist.

"Since last year pa, nang magplano si Dani na tumakbo." Ayan na naman ang inisan moments ni Matias at Winona. "Kaya nga may meeting tayong lahat mamaya."

"Sabi ko campaign jingle ang kailangan natin, hindi Disney music cover."

"Baliw ka na? Sinong may sabing Disney songs ang gagamitin ko?"

Nag-kibit balikat na lang si Matias. "Sige nga, sample?"

Papatulan na sana ni Winona pero pinara ko siya. "Guys, mamaya na sa meeting." Pansin nung dalawa na wala ako sa mood na magaksaya ng oras. We only have half an hour for break time. "Focus tayo sa flyers."

We dispersed and started handing out our flyers. Nagtagal ako konti sa isang mahabang table ng mga Grade Ten students kung nasaan si Kuya Archie ng Arts club.

"Please vote The Heralds." Nakangiti kong sabi sa mga seniors habang binibigyan sila isa-isa ng papel. "Vote straight po tayo !"

"Nice layout." Comment ng isang Grade ten student habang binabasa ang mga plataporma ng partylist namin. "What's your plan for the Annual School Activities, Dani?"

Napangiti ako. This question is something I already prepared for.

"I plan to include myself when the Annual School Visit starts." Sabi ko habang nakangiti sa kanila. Isa sa pinaka-exciting na ganap ng academy ay ang Annual School Activities, or mas kilalang Interschool Competition. 

It's a yearly event where some of the top-performing prestigious private high schools in the city would compete with other students. At the same time, they advocate camaraderie and good sportsmanship.

"That's something new." Sabi ni Kuya Archie. "Pero kung sakaling ikaw ang magiging SC President, how will you handle it?"

"Great planning and effective time management. I happen to do that all the time. Last year ko pa planado ang lahat." Napangiti sila sa akin lahat at alam kong nakuha ko na ang boto nila. "Number 3 po sa balota, iboto niyo kami ng straight ha?"

Be the First Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon