38 : Really Gone

35 3 0
                                        


HUMINGA AKO nang malalim bago ako pumasok ng gate. Monday na naman. Isang mahabang araw na naman sa school.



"Ate Dani!" Hindi na ako nakalingon dahil bigla na akong sinunggaban ng yakap ng kambal. "Na-miss ka namin ng sobra!" Sigaw ni Cienna.



"Hindi ka na namin nakakasabay kumain! Ang busy na kasi!" Sabi naman ni Martha. "Saka lagi na lang namin kasabay si Ate--"



"Ate Nona!" Sabay-sabay naming nilingon ang school gate kung saan kakapasok lang ni Winona. She stopped walking when she saw us. Sa kanya naman yumakap ang kambal.



"Ang aga-aga, ang energy ninyo ang taas na agad ha!" Winona laughed as she tried to get away from their hug. Nagkatinginan kami sandali bago ako bumaling sa kambal.



"Sorry, guys. Mauuna na ko. Running late." Paalam ko sabay dere-deretso ng lakad.



Okay nang gano'n.



"Grabe! Ang bilis mo namang maglakad!" I turned to see Jea, the vice-president of Class Alpha. Hindi ko napansin na kasabayan ko pala siyang maglakad. "Good morning!"



Tinanguan ko lang siya. I've been feeling weird making friends again. Nag-aalangan ako dahil sa nangyari sa aming dalawa ni Winona. I don't think I can start making friends again.



"Sasama ka ba sa Retreat Camp?" Tanong ni Jea nang sabay kaming umakyat ng hagdan. "Nakalimutan kong humingi ng consent form kay Tasho, pinayagan na ako eh."



"Sasama ako." Matipid kong sagot. Ang rude naman kasi kung hindi ko siya pansinin. She's been very helpful lately. Siya ang tumataboy kay Tasho kapag kinukulit ako ng epal na 'yon.



"Cool! Buti naman." Sabi niya sabay ngiti. "Ngayong araw kasi yata ang cut off. I'm sure mag-eenjoy ka. Basta ako ang camp buddy mo ha?"



Naalala kong per section pala ang arrangement sa retreat. I decided to go since Izrajel convinced me. So, malabo rin pala kaming magkaroon kami ng alone time since per section rin daw ang mga activities.



"Hoy, Tasho! Pahingi nga akong consent form!" Sigaw ni Jea bago siya pumasok ng classroom. Napansin kong naglalakad sa hallway si Miss Mendez.



She saw me walking to her, kaya napahinto na siyang maglakad. "Good morning, Miss Mendez." Bati ko sa kanya.



Hindi pa kasi ako nakakabalik sa Journalism Club mula nang malipat ako sa Class A. Hindi pa kami nagkakausap ni Ma'am simula no'n dahil palaging hindi ko siya makita.



"Morning, Samaniego." Nilingon niya ang maingay na classroom ng Class A. "How have you been?"



"Okay lang po." Hindi ko masalo nang maayos ang tingin ni Miss Mendez. "I meant to speak with you today. Kung okay lang po ba na bumalik na akong mag-duty sa office mamaya?"



Her eyebrows knitted together in a frown. "What do you mean? Were you not informed by Izrajel about the removal notice? Sa kanya ko pinaabot 'yon para ibigay sa'yo."



I blinked at her many times, trying to process what she all said. "Sorry? A-ano pong removal notice?"



"I am sorry, but you're no longer part of the Journalism team, Dani." Deretsahang sagot niya sa akin. "In the light of the issue, I thought it's best and it's fair to have you removed."



Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi dahil parang umiikot bigla ang paningin ko.



"But why? Ano po bang kinalaman ng issue ko sa Journalism Club? I've been with the office for years. You told me I was born to write. W-wala naman pong koneksyon ang--"



Be the First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon