"ARE YOU WITH US, Samaniego?"
Mula sa labas ng bintana ay binalik ko ang tingin ko sa blackboard. Nakatayo si Mrs. Trinidad, ang teacher namin ngayon sa Math na sobrang sama ng tingin sa akin. Siya rin ang class adviser namin dito sa class A.
Saka ko lang napansin na lahat ng mata ay nakapukol sa akin. "Yes, Ma'am." Sagot ko sa teacher.
"Well, then answer the problem on the board." Turo ni Mrs. Trinidad sa blackboard. "Let's see if you were really listening."
I can hear murmurs from my new classmates. Hinihintay nila akong tumayo. Instead, I just stared at the board. "Daniella? Get up. What's the answer?"
Hindi ako sumagot agad. Tinignan ko ulit ang problem na nakasulat sa board. This time, rinig ko na tumatawa ang ilan kong kaklase.
"Maybe not so great now, huh?"
"Gago, marinig ka."
"What a weirdo."
"X is equal to negative 2." Sagot ko sabay balik ng tingin sa labas ng bintana.
"Uh... why, yes. You're right." Mrs. Trinidad said. "But can you show us the solution instead, hmm?"
Napahinga ako nang malalim saka ako tumayo. Naiirita ako sa tingin ng mga bago kong kaklase. Tatlong araw mula nang bumalik ako sa school, hindi pa rin mawala ang mabibigat nilang tingin sa akin.
I can still feel that I'm the odd one out.
If there's only a pill to be invisible, I'd take it.
Kinuha ko ang chalk at sinulat ang sagot sa board. Tinignan ko si Mrs. Trinidad na nakauwang ang bibig nang ibalik ko ang chalk sa kanya. I scanned the whole room.
No one even dared to make an eye contact at me. Mga duwag. "Can I sit back down now, Ma'am?" Tanong ko.
"Yes, yes. Very good, Samaniego. As expected."
"Nice one." May lalaking nagtaas ng kamay niya para makipag-high five. He's smiling like an idiot. I just stared at him hanggang sa makabalik ako sa upuan ko.
No one is to be trusted, lalo na't nandito ako sa balwarte ni Stella. Ito ang klase na pinanggalingan niya.
May ilang topics na advanced sa klase na 'to, but most of them I'm already familiar with. Sisiw na lang kumbaga. Kaya hindi maiwasan na tumitig na lang ako sa labas ng bintana kapag nabo-boring ako. Maling mali na ilipat nila ako rito.
Napatingin ako sa upuan katabi ko. Dito ko sa dulo pinaupo at nasa aisle ako nakapwesto. But the seat before me is vacant ever since I've been here.
No one likes me here. Halata naman. Well, the feeling is mutual. Ayoko rin naman dito.
Nauna akong tumayo para lumabas ng room nang tumunog ang bell. Kaso may lalaking humarang sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang Class President ng section na 'to. "Do you have a minute to spare?"
Taas-kilay ko siyang tinignan. "Anong kailangan mo?"
"Napagutusan lang ako na bantayan ka. I'm here to make you feel welcome, since malaking adjustment ang biglaang paglipat mo sa amin. Kaya kapag kailangan mo ng kahit anong tulong, 'wag kang magdalawang isip na lumapit sa akin. Mula ngayon, ako ang bahala sa'yo."
BINABASA MO ANG
Be the First
Dla nastolatkówWhat Dani wants, Dani gets - with both hard work and excellence. Daniella Miel 'Dani' Samaniego has always been the first and the best in everything. Matalino. Talented. Goal-driven. Competitive. Kaya hindi na nakakapagtakang isa siya sa mga acceler...
