43 : Favorite

42 5 0
                                        



"Airen!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. I pulled him in fast for a tight hug. Airen returned it, as he even lifted me up to spin me around. At dahil doon nalaglag ang dala kong bag. "Oh, shoot!" Parehas kaming natawa sa nangyari.


"Dani, you hug like a bear." Tinulungan niya ako kaagad sa bag ko bago kami nakapasok sa bahay. "Halata yatang na-miss mo ako?"


I tossed my things on the sofa and hugged him again. "Yes, I've missed you a lot. One month and three weeks kang nawala!" Seeing him again in the flesh made me feel so much better. Gumaan ang pakiramdam ko.


Hindi na kami masyadong nakapag-video call ni Airen mula nang masugod sa ospital si Tita Meilin. He would leave a message or two, at sobrang tagal pa ng reply niya kung minsan. I really missed him.


He laughed. "Well, this makes me want to go away more often." There goes his boyish grin again. Pansin kong humaba nang kaunti ang kulot niyang buhok. Dark circles are under his eyes. "There's not a day that I don't miss you, Dani."


Nagulat ako nang bumaba ang mukha niya ay dumampi ang lips niya sa kaliwang pisngi ko. His lips lingered for a while. I was even more surprised of myself dahil hindi ako umiwas o lumayo. Or maybe I was too stunned.


"T-tubig, gusto mo?" Tanong ko nang bitawan ako ni Airen. He seemed to notice my awkwardness. "Juice? Coffee?"


"Tubig na lang." Sabi niya habang nakangiti. Napaupo siya sa mahabang sofa couch, habang sinisilip ko ang kusina. Nadatnan ko si Nanay Rosing na naghihiwa ng mga gulay. Pansin kong nanonood rin siya ng movie sa phone niya.


"Dani! Nandyan ka na pala." Kaagad na tumayo si Nanay Rosing at hininto ang ginagawa niya. "Gutom ka na ba?"


"Hindi pa po." Nilingon ko ulit si Airen sa sala. "Kukuhanan ko lang si Airen ng tubig. Kakarating niya lang."


Nanlaki ang mata ni Nanay Rosing. "Hala, oo nga pala! Ibinilin nina Ma'am at Sir na ngayon ang dating ni Airen. Naku, nakalimutan ko na't hindi ko namalayan ang oras. Teka lang ah. Paghahanda ko kayo ng makakain."


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alam nina Mom at Dad na umuwi na si Airen? How come they never told me?"


Nangamot si Nanay sa tanong ko. "Binilin lang si Sir na bibisita siya rito para sorpresahin ka."


Binalikan ko kaagad si Airen na busy sa cellphone niya. Ngayon ko lang napansin na mukha siyang pagod. I handed him the glass of water. Mabilis niyang ininom 'yon. "Naghahanda si Nanay Rosing ng pagkain. You look like you need food... and sleep."


He gave me a small smile as he rubbed his eyes. "Thank you." Hinintay ko lang siyang magkwento. He knows I'm weirded out by many things. Tinapik niya ang space sa tabi niya. "Kung gusto mong malaman, sit with me."


I obliged. Nang makaupo ako, hinila pa ako ni Airen saka siya sumandal sa sofa. Napasandal na rin ako.


Nang hindi ako makapagsalita, napangiti siya. "Mom's condition stabilized. Kaya pinauwi na niya ako. I have to continue school like I promised her."


I didn't know how long I was holding my breath. Parang may natanggal na tinik sa dibdib ko sa sinabi niya. "Thank God she's okay." I muttered.


"I'm afraid I've been away for too long. I missed out on a lot of things." Sabi niya. "Kamusta ang school? How's the people in Class A?" Naalala kong 'yon ang huling balita ko sa kanya.


Be the First Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon