Chapter 4

5.9K 77 5
                                    

Nutcracker

"Put all your weight on your tiptoe, Ballerine."

That damn voice was here again.

Ginagawa ko naman ah. Hindi ko na nga maramdaman ang mga daliri sa paa ko. They were numb and bruised. But, I wouldn't stop. I couldn't.

Left leg up and down. Right leg up and down. Then, stretch the legs and arms, bending my back and forming into a curve.

The soft and melodic music played inside the whole room, enchanting and taking me into a different world. Pakiramdam ko ako na talaga si Clara, ang bida sa musical na "The Nutcracker."

I would be Clara. I should be Clara. I am Clara.

"Focus, Ballerine!" The voice scolded me yet again.

I snapped my head at my reflection in the mirror. Nakasuot ako ng white leotard, pink tights at ballet pointe shoes na medyo madumi na rin dahil sa tagal kong paggamit nito.

Nakatayo ako gamit ang aking kaliwang paa habang naka-arch ito. All my weight was being carried by my big toe.

Seeing myself in the mirror with my arms raised, I tried to flash a smile.

Nakangiti naman ako pero bakit hindi ako masaya?

What the hell was I doing wrong?

"Ballerine, your leg is not straight!" I heard the damn voice criticizing me yet again.

Huminga ako nang malalim. She was right. My leg was crooked. My form was bad. And my face was ugly to begin with.

Umiling ako sa aking sarili. There was no one else in the room. Ako nalang ang natira sa mga kasama ko kanina dito sa ballet class. They all left.

Ring. Ring. Ring.

I tried to ignore my phone, but it kept on ringing. Sino naman ang tatawag sa akin sa oras na ito?

Binaba ko ang aking kamay at paa at nagtungo sa gilid kung nasaan ang duffle bag ko. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang missed call galing kay Manong Eli. Nasa baba na raw siya at sinusundo ako.

What did I expect? Even my mom wasn't looking for me kahit na mag-a-alas diyes na ng gabi.

Kinuha ko ang aking face towel at pinunasan ang pawis mula sa aking mukha. Sinuot ko rin ang kulay apricot na cardigan na dala ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Halos isang oras ang inabot ng biyahe namin pauwi sa bahay. Malapit lang naman ang ballet studio mula sa amin dahil pag-aari ito ng aming pamilya. Si mommy ang owner ng "Sugarplum Studio," isang ballet at dance studio, bilang isa siyang ex-Prima Ballerina. Siya ang dahilan kung bakit ako nahumaling sa ballet... parehas kami ni Ate Bri.

The only difference was my older sister was better than me.

Nang makarating ako sa bahay, tahimik na ang buong paligid. Nakabukas pa rin naman ang mga ilaw sa living room kaya nagtungo na rin ako sa kusina.

"Bal, nandito ka na pala," bati sa akin ni Yaya Nelly na nagliligpit sa kusina. "Kumain ka na muna."

Ngumiti ako sa kanya at nagtungo sa ref para kumuha ng gatas. "Hindi na, ya. Matutulog na ako."

"Pero hindi ka pa kumakain ng hapunan. Ano ba'ng gusto mo? Ipaghahanda kita," pilit pa ni yaya.

Uminom ako ng gatas at nakita ang isang can ng Pringle's sa gilid ng counter. Napalunok ako habang papalapit dito.

Alam kong hindi ko dapat kainin ito, but I couldn't resist it. Mukhang malapit na naman ang period ko dahil sa cravings na 'to. Kumuha ako ng isang piraso mula sa can. Salty but good.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon