Pulse
It took me few seconds to finally straighten myself up and think of an alibi as to why I was bending down infront of her daughter and literally about to kiss my soon-to-be step-sister.
Kahit saang anggulo tignan, alam kong hindi lulusot ang kahit anong paliwanag ko.
"I'm asking you a question, gentleman and I'm expecting you to answer me decently in return," Mrs. Castillo spoke again.
Mas lalo akong pinagpawisan sa titig niya sa akin. Akala ko matindi na si dad, pero mukhang parehas sila ng mommy ni Ballerine.
"Uh, ano lang po..." Pucha naman. Ngayon pa nabuhol ang dila ko.
"Mom?" Nagising si Ballerine at napatingin sa kanyang mommy. "What is going on?"
Tinaas ni Mrs. Castillo ang kamay niya, signalling her daughter to stop talking. "I'm still talking to Logan."
Ballerine glanced at me, confusion evident in her eyes.
"Ah, may dumapo lang po kasing lamok sa mukha niya kaya sinubukan kong hipan para hindi siya makagat," sagot ko.
Nice one, gago. Bentang-benta. Napaka-realistic mo talaga.
"Is that so?" Mrs. Castillo crossed her arms over her chest. Mukhang na-convinced ko naman siya sa sagot ko.
"Aalis na po ako. May practice pa kami," nagmamadaling saad ko bago pa ako tanungin ulit at baka masabi ko pa ang totoo. Masyado pa naman akong honest.
Nang makarating ako sa kotse, hingal na hingal ako na parang tumakbo ako ng ilang milya.
Talo pa nito ang exercise routine ko sa bilis ng pintig ng puso ko.
Napatingin ako sa smart watch ko. BP: 134/89 Pulse: 112.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko sinimulan ang pag-drive. Ayaw kong ma-stroke mamaya sa practice. Kailangan ko pang makarating sa championship game.
Tanginang puso 'to.
#
Alas-nuwebe na nang makarating ako sa bahay. Biyernes ngayon kaya umuwi muna ako para makita si Princess.
But, instead na si Princess ang makita ko pagkarating ko sa bahay, iba ang bumungad sa akin.
"Hi. Thanks for staying with me pala kanina sa hospital," bati sa akin ni Ballerine na nasa kusina sa mga oras na iyon.
"Ano'ng ginagawa mo dito sa bahay namin?" paunang tanong ko sabay baba ng aking duffle bag sa upuan ng counter.
"Your dad said it's best if mom and I stay here starting today," casual na sagot nito.
My jaw unhinged. "Starting today?"
She nodded. "Anyway, goodnight, kuya."
She walked past me, at parang kaswal na kaswal nalang talaga sa kanya ang pagtawag sa akin ng kuya.
Hinawakan ko ang aking sentido as I exhaled a huge breath. "Pwede bang huwag mo akong tinatawag na kuya?"
Ballerine spun, turning to face me again. "What? Bakit naman hindi? Magiging kuya na nga kita soon. Isn't this what you want too?"
I let out a fake cackle. "What I want? Tingin mo ba gusto ko ang nangyayari ngayon, ha?"
"So, what do you really want? Tell me, para mag-adjust pa ako," she answered, her tone getting heavy.
"Ang gusto ko..." Napatigil ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. Putcha, hindi ko na ata kakayanin to.
But, I had to fight back. Kung gusto ko siyang lumayo, kailangan kong gawin ito.
BINABASA MO ANG
The Nutcracker Project [Gen L Society #3]
Teen Fiction[Gen L Society Series #3] Ballerine Maeze Castillo, a theater arts student wants revenge from Lorenzo Reigan Maxwell, the golden boy and baseball captain studying psychology... and it all starts with the nutcracker. *** Disclaimer: This story is wri...