Jalousie
Tanginang peony 'yan. Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kay Ballerine.
Gising na kaya siya? Puntahan ko ba siya sa condo ni K? Teka, bakit ko naman siya pupuntahan?
Leche. Makaligo na nga.
"Logan, son, may practice ba kayo ngayon? You're up early," bati sa akin ni mommy nang makarating ako sa kusina.
Sabado ngayon at may practice nga kami. Pero mamayang hapon pa.
"Ah, yes mom. Mamayang hapon," sagot ko sabay kuha ng tinapay mula sa counter.
"Late ka na ring nakauwi kagabi?"
Sinubo ko muna ang tinapay bago sumagot. "Hindi naman po ako uminom kasi may practice ngayon."
"That's good. At kahit na wala kayong practice, alam mong hindi maganda ang alcohol sa katawan," paalala ulit ni mommy.
"Yes po, dok," pabiro kong sagot.
"Kumusta na pala si Ballerine?"
Napatigil ako sa pagnguya. "Po?"
Inabot sa akin ni mommy ang isang tasa ng kape kaya kinuha ko ito. "Nag-aalala ako sa batang iyon. I just hope she's been eating properly."
"Uh... alis na ko, mom. Punta lang ako sa penthouse," paalam ko sabay lapit kay mommy para bigyan siya ng halik sa pisngi.
Hindi naman na dapat ako pupunta ng penthouse ngayon. Usually, nagwa-warm-up na ako para sa practice mamaya.
Ang normal exercise routine ko everyday ay 25 sit-ups, 10 push-ups, 10 v-ups, 30 jumping jacks, 30 high knees, 20 lunges, 10 sumo squats. Repeat 2-3 times.
Mas matindi pa kapag nasa practice field na kami at tuwing may games. Sa isang araw, hindi bababa sa 100 times ang workout ko.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit nananatili akong MVP at number one hitter sa university baseball league.
At wala akong balak na ipamigay ang titulong ito sa iba.
Half an hour later, nakarating ako sa penthouse. Hindi ko pa nagagawa ang exercise routine ko. Pero nagtungo agad ako sa condo unit ni K.
Naabutan ko si Jale na nagluluto ng breakfast sa kusina na siyang routine na rin nila. Si Jale ang taga-luto at si K ang taga-kain.
"Hey, how long have you been sitting there?" gulat na tanong ni Jale nang mapansin niya akong nakaupo na sa counter.
"Kakapasok ko lang ah," ani ko.
Umiling si Jale. "This is why I've been telling Konstant to change her keycode. Everyone just comes barging in."
"Bro, ako lang 'to. Gusto mo alis nalang ako? Walang problema."
Jale shook his head. "It's not that. I'm just saying-"
"Captain L!" Bati ni K sa akin nang makita niya ako sa kusina sabay upo sa tabi ko.
"LQ kayo?" pabulong na tanong ko kay K.
She sighed beside me. "It's one of those bad days... alam mo na..."
Tumikhim ako nang ma-realize ko ang sinasabi niya. "Ah, kaya pala."
"Are you front-stabbing me now?" Biglang sabat ni Jale sabay lapit kay K.
Umiling naman kaming dalawa ni K. "Hindi ah."
"Good, 'cause I hate it when people talk shit about me," Jale finished.
Agad namang tumayo si K sa kinauupuan niya at sinuyo si Jale ng isang yakap. "Dok, sorry na."
BINABASA MO ANG
The Nutcracker Project [Gen L Society #3]
Teen Fiction[Gen L Society Series #3] Ballerine Maeze Castillo, a theater arts student wants revenge from Lorenzo Reigan Maxwell, the golden boy and baseball captain studying psychology... and it all starts with the nutcracker. *** Disclaimer: This story is wri...