Test
"I already told you, Logan. Ano ngayon ang balak mo kay Princess?" tanong ni Crisha sa akin the next day nang magkita kami.
Tumikhim ako habang nakatingin sa mga tao sa loob ng coffee shop. Hindi ko pa nasasabi kay Ballerine ang tungkol dito. Alam ko namang hindi magbabago ang tingin niya sa akin. Pero bakit ako kinakabahan?
"Maiiwan si Princess sa amin," mariing sagot ko.
Crisha smiled at me. "Oh, you didn't know? According to Article 213 of the Family Code, custody goes to the mother for children under seven years old."
Kumulo ang dugo ko. "Putang-"
"Hey, huwag kang mag-eskandalo dito, Logan. Nakakahiya," paalala pa ni Crisha sa akin.
"Kukuha ako ng lawyer. I want full custody. Hindi ako papayag na kunin mo si Princess," I gritted my teeth in anger.
"You know what, the easiest way is for us to get back together," suggestion pa niya.
I forced a chuckle. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Crisha? Hindi na kita mahal. Sa tingin mo ba ganun-ganun lang yon? At kahit na anong gawin mo, hindi na magbabago ang isip ko."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh really? Dahil ba sa step-sister mo?"
I bit my lip shut. "Huwag mong idadamay si Ballerine dito."
"But, I can," diin pa niya.
"Subukan mo."
"Oh, I will. I will definitely break you apart, until you're left with no choice but to love me back."
"Nababaliw ka na," giit ko sabay tayo sa aking kinauupuan.
Agad kong hinanap si Ballerine bago pa ako maunahan ni Crisha sa kung ano man ang binabalak niya.
Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sagot. Wala ring reply sa mga text ko.
To Ballerina:
Love
Asan ka?
May klase ka ba?
I need to talk to you
Kanina ko pa siya tinatawagan. Nag-aalala na ako. Baka mamaya sumusuka na naman siya at wala siyang kasama.
Kailangan ko na siyang mahanap.
Tumakbo ako papunta sa building ng Theater Arts Department. Mabuti nalang at medyo malapit lang mula sa coffee shop ang building nila.
Alam kong may rehearsals siya ngayon kaya nagtungo ako agad sa FU Theater Centre.
Pagkarating ko sa loob ng auditorium, may isang grupo ng estudyante na nagpa-practice sa stage. Nilibot ko ang aking tingin para hanapin si Ballerine.
"May kailangan ka ba?"
Napatingin ako sa isang boses ng babae sa tabi. Inayos niya ang salamin sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Nandito ba si Ballerine?" I asked.
"Hindi siya pumasok ngayon sa klase. At ngayon lang siya umabsent sa rehearsals," sagot ng babae.
I nodded at her. "Ganon ba. Sige. Thank you."
Kinuha ko ulit ang aking cellphone para i-check kung nakita na niya ang mga text at tawag ko. Wala pa rin.
Tangina. Nasaan na ba siya? Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin.
Napahawak ako sa aking sentido habang nag-iisip kung saan pa siya pwedeng pumunta. Nag-chat ako sa GC namin para magpatulong na sa mga kaibigan ko.
Omega Sardines
BINABASA MO ANG
The Nutcracker Project [Gen L Society #3]
Teen Fiction[Gen L Society Series #3] Ballerine Maeze Castillo, a theater arts student wants revenge from Lorenzo Reigan Maxwell, the golden boy and baseball captain studying psychology... and it all starts with the nutcracker. *** Disclaimer: This story is wri...