Deal
"Bro, gusto mo ba ng elixir?" tinapik ni André ang aking balikat sabay sandal ng kanyang ulo sa pader.
"Elixir?" nalilitong tanong ni Koleen na nakaupo sa harap namin.
"It's currently a non FDA-approved drug, an amphetamine-like stimulant used to decrease excessive sleepiness for patients with sleep disorders," pag-explain ni Jale na katabi ni Koleen. Naka-scrub suit pa silang dalawa dahil galing sa duty.
"Gago, idadamay mo pa ako sa kalokohan mo, Dré," asik ko sa katabi ko na tumatawa na ngayon.
"Baka lang naman makatulong sa'yo. You've been here since last night, dude," sabi pa ni André.
Nandito kami sa lobby ng ospital kung saan nila dinala si Ballerine. Ilang oras na rin ang lumipas simula noong nakita namin siyang walang malay sa loob ng kanyang kwarto.
Hindi naman ako makatulog dahil sa kakaisip kung okay lang siya. Tapos hindi pa ako pinayagang pumasok sa loob ng kwarto niya. Si Tita Beatrice lang ngayon ang kasama ni Ballerine at hindi ko pa alam kung gising na ba siya.
"Dati na ba siyang may suicidal tendencies?" tanong ni Koleen sa akin.
I shrugged my shoulders, exhaling a huge breath. "Hindi ko alam."
And it was true. Alam kong may pinagdadaanan siya, but not once did she mention this to me. Ayaw ko rin siyang pilitin kung ayaw niyang sabihin. I wanted to respect her decision dahil naniniwala akong sasabihin rin niya ito sa akin.
But, I didn't think we would end up here in a hospital.
"Have you ever noticed some symptoms of eating disorder from her?" Jale asked.
Bumalik sa isip ko ang lahat ng mga pagkakataong sumusuka siya sa tuwing napaparami ang kinakain niya. Pero kapag tinatanong ko naman kung may problema siya, lagi niyang sinasabi na okay lang siya.
"She needs help, bro," sabat pa ni André.
I sighed. "Alam ko, pero ayaw ko naman siyang pilitin."
"Ngayong alam na natin ang condition niya, we have to do something," saad ni Koleen.
Napahawak ako sa aking sentido. "Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin. Ayaw nga nila akong palapitin sa kanya."
"Ano ba ang nangyari? Di ba legally step-brother ka na niya? So, kasama ka dapat sa visitor's list," ani Koleen.
"Nalaman ng mommy niya ang tungkol sa relasyon namin kaya ngayon pinaghihiwalay kami," sagot ko.
"Bro, RIP to you," panunukso pa ni André kaya binatukan ko siya at natanggal ang suot niyang snapback sa ulo.
"Hindi ka nakakatulong, gago. Umalis ka na nga," sumbat ko kay André.
Tinaas naman niya ang kanyang mga kamay. "Sorry, sorry. Y'all so serious."
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano'ng gagawin mo?" tanong ko sa katabi kong inaayos ang kanyang buhok.
"Simple. I'll run away with her," confident na sagot ng gago.
"Wow, ayos. Sige, itatakbo ko siya tapos ipapakulong naman ako ng tatay ko," sarkastikong sagot ko.
André nodded. "At least pinaglaban ko. If I were in your shoes, I would've stopped the wedding right there and then. No dramas."
"Madaling sabihin, mahirap gawin," isang boses ang biglang sumabat at nakita ko si Kell na paparating na rin kasama si Fina.
"Sorry, na-late kami," sabi pa ng babaeng kasama niya na nakasuot pa ng white collared shirt at navy blue skirt ng mga Architecture students sa FU.
BINABASA MO ANG
The Nutcracker Project [Gen L Society #3]
Novela Juvenil[Gen L Society Series #3] Ballerine Maeze Castillo, a theater arts student wants revenge from Lorenzo Reigan Maxwell, the golden boy and baseball captain studying psychology... and it all starts with the nutcracker. *** Disclaimer: This story is wri...