Loser
After a winning streak, the Fotheringham University Saints Baseball Team lost in the championship game against the Princedale University Bulldogs.
"Captain, ano'ng nangyari?" tanong ng isang teammate ko.
"Akala ko pa naman magiging defending champion ulit tayo."
Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang mga hinaing ng teammates ko sa loob ng locker room.
Hindi ko sila maharap dahil alam kong ako ang dahilan ng pagkatalo namin. Isang punto lang ang lamang ng kalaban at ako ang nasa batter's box. Hindi ko tinamaan ang bola kahit na alam kong maho-home run ko ito.
"Tama na yan. Pare-parehas tayong may kasalanan kung bakit tayo natalo. Huwag niyong isisi lahat sa captain natin na alam nating may injury," rinig ko si David na nagsalita.
Inangat ko ang aking tingin para tignan silang lahat. Kita ko sa kanilang mga mata ang galit at inis.
Paano ko sasabihin sa kanila na ipinatalo ko ang game dahil sa kasakiman ko?
"Sorry sa inyong lahat," mahinang sambit ko sabay tayo sa aking kinauupuan. "Responsibilidad kong harapin ang pagkakamali ko dahil hindi ko nagawa nang mabuti ang parte ko bilang cleanup batter at captain ninyo."
Nakita ko ang pag-iling ng ibang kasama ko sa aking harapan.
"Okay lang, cap. May next year pa naman," sabi ng isa.
"Wala na. Last year na to ni captain sa paglalaro," komento naman ng isa.
I nodded. "Gusto ko lang sabihin sa mga may pagkakataon pang maglaro sa mga susunod na taon, gawin niyo ang makakaya ninyo. Huwag kayong magpapadala sa pagkatalo natin ngayon. Gamitin niyo itong inspirasyon para mas lalong mag-practice."
Matapos kong sabihin ito, nagsialisan na rin sila nang walang imik. Umupo ako sa harap ng aking locker, tinitignan ang numerong nakadikit sa harap nito.
"Lorenzo Reigan Maxwell, Number 17, ikaw ang magiging cleanup batter at captain ng FU Saints baseball team starting this year."
Bigla kong naalala ang araw na naging captain ako. Napakalaking responsibilidad ang naipasa sa akin noong ako'y nasa third year pa lang. Usually, puro seniors ang napipiling captain, pero sa unang pagkakataon, ako ang tinalaga ng mga coach namin.
Ang saya ko pa noon at pinangako kong ipagpapatuloy ko ang pagiging defending champion ng aming team.
But, I failed. I failed my teammates. I failed myself.
"Okay lang yan, Logan. Wala kang ginawang masama," pangungumbinsi ko sa aking sarili habang tumatayo sa aking kinauupuan para tanggalin ang mga laman ng aking locker.
Nilabas ko ang cellphone mula sa aking duffel bag at nakita ang isang text mula sa babaeng gustong-gusto kong makita.
From Ballerina:
Logan
Can you come here in the auditorium?
Agad kong dinampot ang aking bag at tumakbo patungo sa Theater Department. Hindi pa ako nakakapahinga mula sa game kanina, pero hindi ko alintana ang pagod ngayon.
Nakalabas na pala siya mula sa ospital. Wala man lang pasabi sa akin.
Nang makarating ako sa loob ng auditorium, nakita ko agad si Ballerine na nakatayo sa gitna ng stage sa harap.
"Ballerina!" tawag ko habang nagmamadaling naglakad patungo sa harap.
Umikot siya at nakita akong papalapit sa kanyang direksiyon. Nakasuot siya ng kanyang paboritong pink cardigan at puting tennis skirt. Nakataas rin ang kanyang buhok kaya kita ko ang pagsalubong ng kilay niya nang makaharap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Nutcracker Project [Gen L Society #3]
Teen Fiction[Gen L Society Series #3] Ballerine Maeze Castillo, a theater arts student wants revenge from Lorenzo Reigan Maxwell, the golden boy and baseball captain studying psychology... and it all starts with the nutcracker. *** Disclaimer: This story is wri...