Chapter 18

4.3K 53 11
                                    

Scarlet

Hindi na naman ako nakatulog kagabi.

At hindi ito dahil kay Ballerine.

Sobrang sakit ng kanang balikat ko. Ayaw ko namang magpa-ospital dahil mas lalo lang ma-i-stress ang mga taong nasa paligid ko - si mommy, mga kaibigan ko, teammates, coach.

Si dad lang naman ang walang pakialam sa akin. Lalo na ngayon na busy na sila sa preparation para sa wedding. Target nila ay within two to three months daw.

Hindi ko alam kung makakaya ko bang tumira kami sa iisang bubong ng Ballerine na 'yon.

Iniisip ko pa lang sumasakit na ulo ko.

Bakit ba napasok na naman sa isipan ko ang babaeng 'yon?

Tumayo ako sa kama para magtungo sa kusina. Baka sakaling mawala ang sakit ng balikat at ulo ko kapag kumain ako.

Habang naglalakad sa hallway, may napansin akong maliit na keychain na nakahiga sa sahig.

Picking it up, I immediately noticed that it was a pink ballerina keychain. Parehas ito sa binigay ni Ballerine kay Princess noon.

"Sa kanya ba 'to?"

Paano ko ngayon ibabalik 'to? Eh hindi nga niya ako kinakausap.

Bakit nga ba niya ako iniiwasan? Dahil sinabi ko sa kanyang hindi ko siya gusto?

Tama lang naman na umiwas siya at umiwas na rin ako.

It was better this way. Itapon ko nalang kaya itong keychain na 'to?

Pero, alam kong importante sa kanya ito.

Teka, ano bang pakialam ko kung importante ito sa kanya?

Gusto ko na ba siya? Mahal ko na ba?

Tangina. Di ko na alam gagawin ko.

Nilagay ko nalang ang keychain sa loob ng duffle bag ko. Kung hanapin niya ito, ibibigay ko. Kung hindi naman, itatapon ko nalang talaga.

Lumabas ako ng penthouse para mag-jogging sana sa compound nang makatanggap ako ng text galing kay Brianna.

From Bri:

Come here at our house

Family lunch before my flight

To Bri:

ok

Nakarating ako sa bahay ng mga Castillo at na-realize na wala pala si Ballerine.

"She went out early for a group project," her mom explained as we sat in the dining area.

Bumuga ako ng hangin. Mabuti nalang at wala siya.

"But, she said she will send me off later for my flight," Brianna added.

Tahimik nalang akong kumain habang pinag-uusapan na nila ang tentative date ng wedding. Tuloy na tuloy na talaga at wala nang makakapigil sa kanila.

Just then, a phone rang from someone's pocket. I instinctively checked mine, pero hindi galing sa akin.

"Mam Beatrice, may tawag po galing sa propesor ni Bal," alalang sambit ng kasambahay nila habang inaabot ang cellphone kay Mrs. Castillo.

"Yes, hello, this is her mom," pagsagot ng mommy nila sa phone.

I don't know why, but I felt a pang of worry in my gut. Nakatingin lang ako kay Mrs. Castillo habang pinapakinggan ang pakikipag-usap niya sa telepono.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon