Chapter 12

4.3K 67 6
                                    

Mom

Only ten minutes has passed since I sat down in front of the small dining table with unfamiliar people surrounding me.

Sakto lang sa apat na tao ang kanilang table. It made me wonder if they have another dining area where visitors can sit if they ever invite some.

Sitting on the corners of the table are Logan's family, General Raymond Maxwell and Dra. Eliza Maxwell. Hindi pa naman ako in-interview ng dad niya, which was a relief.

Sa aking harapan, tahimik na kumakain si Logan habang pinipigilan ko ang aking sariling hindi masuka sa harap nilang lahat.

A variety of food was served to us for dinner. May roasted chicken with potatoes, baked salmon with asparagus at creamy garlic shrimp. May panna cotta at cheesecake rin na nakahanda for dessert.

Pinuno ni Logan ang plato ko ng bawat pagkain sa lamesa. Hindi na rin ako nakipag-argue pa sa kanya dahil kaharap namin ang parents niya.

But now, I suddenly regretted I didn't say anything.

Ramdam ko ang mga pagkaing nakabara sa aking lalamunan at gusto ko nalang iduwal ito.

Ugh. I feel really sick right now. I just want to vomit.

"Ballerine, nagustuhan mo ba ang mga pagkain? Kuha ka pa," biglang sabi ni Dra. Maxwell.

"Mmm..." Pinilit kong lunukin ang pagkain para makapagsalita ako, but it was just too much for me.

"Are you okay?" tanong ulit ng mom niya sa akin.

Pinagpapawisan na ako and I didn't even know what to do. Tatayo ba ako para hanapin ang cr? O hihintayin kong matapos silang lahat sa pagkain at titiisin ko nalang na ganito ako?

I glanced at Logan. Nakatingin na rin siya sa akin ngayon habang hawak ang isang hipon sa kanyang kamay. Garlic shrimp lang ang laman ng plato niya. I suddenly wondered kung ito ang paborito niyang pagkain.

"Okay ka lang?" he finally asked, forgetting about his food and standing up from his seat.

Umiling ako sa kanya habang pinanood siyang maglakad patungo sa aking kinauupuan.

"May sakit ka ba?" Logan continued to ask when he reached me.

Tinuro ko ang bibig ko habang pinipigilang hindi masuka sa harap niya.

Napatigil si Logan ng ilang segundo habang nag-iisip hanggang sa kunin niya ang aking kamay at hinila ako palayo sa dining area.

"Anong nangyayari? Nasusuka ka?" tanong ulit ni Logan habang inaalalayan ako sa paglakad.

I nodded at him as we reached the comfort room. Agad akong tumakbo papasok sa loob at inilabas ang mga kinain ko sa toilet bowl.

Blurgh. Blurgh. Blurgh.

I couldn't remember the last time I vomited like this. I tried so hard not to end up in this situation again.

Sigurado akong kapag nalaman ito ni mommy, hindi na niya ako papayagang kumain pa ulit sa labas.

"Ballerina, ano? Okay ka lang diyan? May kailangan ka ba?"

I heard Logan's voice from outside the door.

Deep breaths, Ballerine.

Inhale. Exhale.

Ginawa ko ito ng ilang minuto bago ako tumayo mula sa sahig. Agad naman akong binati ng aking reflection sa salamin.

That's disgusting, Ballerine.

Don't ever eat again.

Paalala pa ulit sa akin ng mga boses sa aking paligid. I really thought I got rid of it already. Hindi pa pala.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon