Chapter 28

3.5K 47 4
                                    

Blue

Warning: This chapter contains a scene of violence. Please read with care!

"Ballerine, how are you today?" The woman sitting in front of me greeted sabay ayos ng salamin sa kanyang mga mata.

"I'm feeling good..." tipid kong sagot.

Dr. Anderson was my psychologist since I started attending therapy sessions to deal with my condition. Gaya nga ng sabi sa akin ng doktor noon sa Pilipinas, I was unfit to carry the baby inside me. Hindi lang ito dahil sa kapayatan ko, kung hindi dahil na rin sa hindi ako mentally stable.

Matapos ang ilang tests na ginawa ni Dr. Anderson, na-diagnose akong may Body Dysmorphia at Anorexia Nervosa. Hindi rin nakatulong ang pagkakaroon ko ng depression matapos kong makunan sa aking baby.

But, after seeing the psychologist for years, I could say I was in a better place than I was before.

"Have you been writing on your journal everyday?" tanong ng psychologist ko sa akin.

I nodded at her. Isa ito sa mga advice ng doctor sa akin. Kailangan kong magsulat ng positive messages araw-araw sa isang notebook. It was to remind myself that I had to be grateful that I was still living and breathing.

Tumayo si dok mula sa kanyang kinauupuan kaya sinundan ko siya. Alam ko na ang susunod naming gagawin.

On the corner of her consultation room, may isang full-length mirror na nakatayo.

"What do you think about yourself today?"

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ang babae sa aking harapan ng long sleeved tweed navy blue na coat blazer at white dress sa loob nito.

I don't know why, but I unconsciously started wearing more clothes with a shade of blue instead of pink na favorite color ko.

"Ballerine?" tawag ni Dr. Anderson sa akin.

"I look..." Napatigil ako habang nag-iisip ng adjective na bagay sa akin. "Decent."

"Decent?" inulit pa ni dok. "Anything else?"

Nakatali pataas ang aking mahabang blonde na buhok kaya kitang-kita ang malapad kong noo. Medyo okay naman ang skin ko the past weeks. Walang tumutubong pimples.

"You don't think you're beautiful today?" Doctor spoke again.

"I'm not..." Huminga ako nang malalim. I'm beautiful. Ang daling sabihin, pero bakit hindi ko na naman magawa?

"You can do it, Ballerine," pag-encourage ni dok sa akin. "You've been doing really well before. I'm sure you can do it again today."

Pinikit ko ang aking mga mata at nakita ang mukha ni Logan habang nagmamakaawa sa aking harapan. It hurt me seeing him like that, pero wala akong ibang choice.

I had to push him away because I couldn't face him after losing our child. It was my fault.

Paano ko sasabihin kay Logan na ako ang dahilan kung bakit namatay ang baby namin?

I felt tears slowly escaping from my eyes. Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin matapos lahat ng nangyari.

Kapag nalaman niyang nawala ang baby namin dahil sa akin, sigurado akong hindi na niya ako mamahalin.

"Ballerine, it's okay. Let it out." Lumapit si dok sa akin habang tinatapik ang aking likuran.

Unti-unti akong napaupo sa sahig habang bumubuhos ang luha sa aking mga mata.

Ilang oras akong nanatili sa consultation room. Hinayaan lang ako ni dok na ilabas ang aking emosiyon.

Pumasok ako sa doctor's appointment ko ng ala-una ng hapon at nakalabas ako ng alas-singko. Nakakahiya man kay dok at wala naman akong ibang mapupuntahan. Ayaw kong umuwi sa apartment at baka makita ni Ate Bri na nag-breakdown na naman ako. Mag-aalala na naman siya. Ayaw ko nang dagdagan pa ang stress niya bilang single parent.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon