Chapter 9

4.3K 60 2
                                    

Trust Fund Baby

Mahina na ang tunog mula sa speakers kaya dinig na dinig ko ang mga salitang galing sa isang pamilyar na boses ng babae mula sa gilid ng living room.

"I heard na kaya nakuha rin si Brianna sa NYU as a transferee student dahil sa donation ng pamilya nila," another one commented.

What the hell are they talking about?

"Talk about bribery," pamilyar ang boses ng babae.

That voice was definitely hers.

Nakakuyom ang mga kamay ko habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa couch katabi ang isang lalaki. May iba pa siyang kasama sa grupo and I recognized most of them to be a part of the play, our play.

"Bee?" Someone suddenly called out my name and everyone turned to me with shock painted all over their faces.

"Oh my God! Narinig mo ba?"

Kusang tumaas ang kilay ko sa babaeng nakatingin rin sa akin... walang iba kung hindi si Melody.

"I heard everything," bigkas ko habang papalapit sa kanila sa sala.

Nakita ko ang paninigas ng mukha ni Melody sa kanyang kinauupuan. But then, her lips suddenly curved up, flashing me a sly smile.

"Buti naman at narinig mo. It's the truth anyway," Melody blurted out, standing up from her seat. "Ballerine Maeze Castillo, you're just a trust fund baby. You're nothing without it. Even your mom knows that you can't do it without her money."

Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa ugat ng aking sentido. Hindi ko napigilan ang aking sarili at hinayaan kong gumalaw nang kusa ang kamay ko.

SLAP!

"Ahh! You bitch!" Napasigaw si Melody sa pagsampal ko ng kanyang pisngi.

I gritted through my teeth as a tear escaped from my eye. "I considered you my friend, Melody."

But, deep down inside, ramdam ko ang bawat salitang sinabi ni Melody. Lalo na 'yong sinabi niyang alam ni mommy na hindi ko kayang maging lead role sa play kaya nag-donate nalang siya to secure my spot.

I can't believe mom would that. Wala talaga siyang bilib sa akin.

She never once believed in me. She would rather pay someone to make me believe that I made it on my own.

I don't even know what to feel right now. More than embarrassment, I felt sick and frustrated and enraged.

"That's enough! Party's over, people!" someone suddenly announced. It was the same guy wearing a white shirt who helped me earlier.

"Kell, bro! Kakasimula pa lang ah!" Reklamo ng isa.

"Aalis ba kayo o tatawag ako ng pulis?" The white shirt guy - Kell warned.

"Halika na!" Boses ni Logan ang nakakuha ng atensiyon ko sabay kuha ng aking kamay.

"You'll pay for this, Bee!" sigaw pa ni Melody sa akin habang kinakaladkad na ako ni Logan palayo sa babae sa sala.

"Bitawan mo nga ako!" I protested, but Logan's grip on my hand was tighter than a leash.

Papalapit na kami sa may balcony nila patungo sa pool area. Nagsisialisan na rin ang mga tao kaya kami nalang ang naiwan doon.

"Ano? Masakit ba?" tanong ng lalaki sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Yes, masakit! Kaya pwede bang bitawan mo na ako!" reklamo ko kaya inalis na rin niya ang pagkakahawak sa akin.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon