Kabanata XXIV

2 0 0
                                        

Swarovski

My whole life started to change when I arrived home. Sa bahay namin sa Forbes pa rin ako dumiretso dahil iyon naman ang tinitirhan ko ngayon.

"Magandang gabi, Senyora. Ipaghahain ko na po ba kayo ng hapunan?" The maid approaches and asks me.

I don't feel any hunger at all. Hindi ko alam kung dahil ba sa marami naming nakain kanina o talagang wala akong gana. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang magkulong sa kwarto, balutin ang sarili sa aking kumot at ipikit ang aking mga mata.

"Huwag na po. Bukas na lang po ako kakain. Gusto ko na lang magpahinga." Sagot ko.

At iyon nga ang aking ginawa. Sinalampak ko ang aking katawan sa kama at tumulala sa kisame. Now what? Tanong ng aking utak. I don't want to stay here. I don't feel like around many people na nakabantay sa akin o mga taong naghihintay ng iuutos ko.

Should I go back to my apartment? Should I call Matteo to help me move?

Ako:

Paris left just a while ago.

I sent a message to Matteo to inform him that my husband has already left the country. And I do not know what to do with my life now. Ilang araw lang ay nasa La Union pa ako ngunit ngayon ay nasa ibang lugar na naman.

This house is really big for me. Almost as big as the mansion but it feels so empty. Hindi naman ako nag iisa sa bahay na ito dahil kasama ko pa rin ang mga maids at bodyguards na iniwan ni Paris para sa akin. But I still prefer the confinement of my own apartment rather than staying here. I spent the whole evening packing my things and made my decision to live in my condo. Mas malapit rin iyon sa opisina kaya mas gusto ko doon.

Matteo:

Francis informed me. Congratulations on your promotion! Hindi ako nakadalo sa meeting dahil sa trial. I will see you tomorrow.

Ako:

I will move into my condo tomorrow after work. It will be easier for me kasi malapit sa office.

Konti lang naman ang mga gamit ko kaya hindi naman ako nahirapan na mag impake. Bumaba naman ako sa kusina upang ipaalam sa head maid na aalis ako sa bahay na ito.

"Signora, kung aalis ka po dito ay sino na po ang makakasama namin?" Nangangambang tanong nito sa akin.

"Huwag po kayong mag alala. Hindi po kayo titigil sa trabaho dahil magpapatuloy naman po kayo kahit wala ako dito. Gagawin nyo pa rin po ang inyong mga normal na trabaho. Hindi ko po kayo sisisantehin." Paliwanag ko.

Iyon siguro ang pangamba niya. Akala niya ay mawawalan sila ng trabaho kapag umalis ako dito.

"Ipagpatuloy nyo lang po ang pangangalaga sa bahay. Tatawag po ako o kaya ay bumisita dito paminsan. Magpapatawag din po ako ng tulong kapag kailangan ko din po sa condo." Sambit ko.

"Alam na po ba ito ni Sir Paris? Pumayag po ba siya?" Tanong niyang muli.

"Ako na po ang bahala. Nasa byahe pa po siya ngayon kaya pagkalapag niya sa Italy ay tatawag po iyon sa akin."

"Bukas po ako aalis. Pagtapos po ng aking trabaho ay ipapakuha ko na ang mga gamit ko."

Sumapit pa ang ilang minutong pag uusap namin at pumayag na rin siya. Umakyat na akong muli sa aking kwarto upang maghanda naman ng aking susuotin para sa pangalawang araw ko bilang Vice President. Agad din akong binigyan ni Francis secretary. I am excited for all the work that I will do. I know that this is a leadership role and mas marami ang aking trabaho kumpara sa pagiging assistant ko noon. Handa naman ako and I somehow got familiarized when I was still a kid.

Lead Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon