Kabanata V

7 1 0
                                    

Failed

"Tell me everything!" Matteo snapped as soon as he entered my apartment. 

Galit na galit ito at hindi mapakaling palakad-lakad sa aking harapan. Nahihilo ako sa kanyang ginagawa kaya umalis ako sa aking pwesto.

"Ano ba talaga ang plano mo?" Tanong ni Matteo.

"I already told you," tamad kong sagot. Paulit-ulit pa.

"Monica, alam mong hindi madali itong gagawin mo. Ipapahamak mo ang sarili mo!" Singhal nito.

"Who cares? I have nothing to lose! Kailangan ko lang bawiin ang mga bagay na kinuha sa akin." Tumaas na rin ang aking boses.

Umuwi akong buo na ang desisyon. At hinding hindi ko bibiguin ang pangako ko kay Papa na gagawin ko ang lahat para mabawi ang lahat ng kinuha sa akin.

Kahit na anong paraan. Wala na akong pakialam sa kahihinatnan ko, ang mahalaga lang sa akin ay mabawi ko ang mga nawala sa akin. Maibalik sa dati ang Carluccio.

"By being married to someone you didn't even know?" He asked.

"I don't care. I don't care anymore." I said.

"Marriage is not a joke, cousin." Matteo said.

"I know. I am very much aware of that." Matagal ko nang pinag-isipan ang bagay na ito. Nang dahil sa mga benepisyong makukuha ko, madali ko ring mababawi ang Carluccio.

Pumunta ako sa kusina at nagbukas ng cup board. Inabot ko ang isang bote ng wine at kumuha ng dalawang kopita. Nagsalin ako sa akin at kung paano itinuro sa akin ng aking ama ang tamang pag-inom ng wine, iyon ang ginawa ko.

"Do you know what my father told me before he died?" Mapait kong tanong. Mahirap balikan ang masakit na alaala ngunit hindi iyon mawala sa aking isip.

Humarap ako sa kanya. "He said that he only did these for my own sake. And some ruthless man put a bullet inside his head." Bawat salitang aking binibigkas ay matigas. Nakatitiyak na ramdam ang galit at hinagpis.

"And that happened right in front of me," gigil ang aking mga ngipin.

Gabi-gabi, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, palagi kong nakikita ang mga mata ni Papa bago siya patayin. Nangungusap, malungkot, nababahala, at natatakot. May gustong sabihin ang mga iyon ngunit hindi naisatinig dahil sa kakulangan ng panahon. At sa tuwing maiisip ko ang karumal-dumal na pagkamatay niya, nagliliyab ang apoy ng galit sa aking dibdib.

"Please, Monica. Kung gusto mong bawiin ang Carluccio, gawin mo ito sa tamang paraan." Pangungusap nito.

"Wala na akong pakialam kung tama man o mali ang ginagawa ko. Ang mahalaga lang sa akin ay mabawi ko ang lahat ng nawala sa akin. Ang mga bagay na kinuha ko sa akin. Ang mga bagay na bumuo sa aking pagkatao bilang bahagi ng Carluccio." Sumimsim akong muli sa wine na nasa aking kopita.

"At kapag nangyari iyon, sisiguraduhin ko na lahat ng may pakana sa pagiging miserable ng buhay ko ay mananagot. Hinding-hindi sila pwedeng makawala pa." Natakot ako sa aking sariling binigkas. 

"Monica-"

"I will show them no mercy. Even if they beg under my feet." Titig na titig ang aking mga mata sa aking kopita.

Matteo will never understand where I am coming from. He is not there when it happened. He didn't witnessed the guilt in my father's eyes while drowning in his own cold blood. He didn't saw how I loathed myself because of people who keep sacrificing themselves for my own safety.

He will never understand why I am being like this because I don't want to fail again.

If my life is in danger, then I will protect myself. I will not depend on someone anymore.

Lead Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon