Kabanata I

8 1 0
                                    

Hazelnut

"Signorina! Hinto! Hindi ka pwedeng pumasok diyan." Sigaw ng aking Nanna.

Unang araw ko sa mansyon at hindi ko kayang tumigil lamang sa kwarto. Kakauwi ko lamang galing sa Batangas nang maka-graduate ako ng middle school. Narito ako para sa bakasyon kaya hindi nila ako dapat pigilan sa kung saan ko man gusto pumunta.

"Signorina!" Naririnig ko ang pagkapos ng hininga nito kaya tumigil ako para harapin siya.

"Bumalik ka na po sa bahay. Hindi naman po ako magtatagal. Uuwi din ako bago sumapit ang gabi." Sabi ko sa kanya.

"Mapapagalitan ako ng Signor kung hahayaan kitang mag-isa rito." Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata ng banggitin niya ang tawag nito sa aking ama.

In the eyes of our laborers, Papa is frightening. Because of his power and the influence of our family, no one wants to mess their work. When one of them didn't fo their work properly, he immediately fire them without consent. All the ties were being cut and he made sure that they will not set foot in this place again.

"Hindi naman niya malalaman. At hindi naman po kita ipapahamak. Kagustuhan ko po ito." Ayokong magkulong lamang sa kwarto at hintayin na lamang ang komando ng aking ama kung lalabas ba o hindi.

"Bumalik na tayo sa bahay, Signorina. Mapapagod ka lamang dito." Pagmamakaawa nito.

"Mas nakakapagod po kung titigil lamang ako sa kwarto na wala namang ginagawa." Sabat ko.

Thankfully, hindi na ako gaanong nahihirapan sa pagtatagalog. I grew uo in Italy and I am aware of the foreign language I have to use there. Ngunit nang umuwi naman ako dito ay madali kong napag-aralan ang Tagalog sa tulong ng aking Mama.

You might be wondering, where is she now? She was in that place where I can't reach. Not here, not in other town or country. She's in heaven. She died after giving birth to me. She had two miscarriages. And on their third try, she had given birth successfully. Her body didn't take the pressure, so she died.

"Signorina!" Muling sigaw na tawag akin ng aking nanny nang magsimula akong tumakbo.

Simula bata ako, gustong-gusto ko nang puntahan ang lugar na ito. Sa loob lang ito ng lupain namin at sa haba niyon ay hindi ko nalilibot. Kalahati niyon ang mga ubasan, kalahati ang imbakan ng mga naprosesong ubas at ang tira ay para sa mansyon ni Papa.

Malaki at mahaba ang bodegang ito. Sabi ni Papa ay wine cellar ang buong bodegang ito at nasa loob nito ang mga galon ng mga iniimbak na katas ng mga ubas. Pinapadala naman sa Maynila ang mga tapos nang iimbak at nilagay na sa bote at mga kahon nito.

"This is huge!" Sabi ko sa sandaling makapasok ako sa loob.

Big fermentation tanks, wine racks, wine maker machines and over a hundred of workers are all here. The finished products were settled at the second floor. The boxes of wines were piled and arranged accordingly. Ang ganda lang pagmasdan dahil tila sabay-sabay ang galaw ng mga trabahador sa paggawa dito.

"Signorina Monica, sa palagay ko ay hindi ka dapat narito." Lumapit sa akin si Mr. Valmoria, ang aking tiyuhin.

"Magandang araw po, Uncle. Nabagot po ako sa bahay kaya ako narito." Sagot ko nang maharap ko ang aking tiyuhin.

"Paniguradong hinahanap ka na ng iyong Papa," sabi nito.

"Hindi naman po ako lumayo. Nasa loob pa rin ako ng lupain. Hindi naman po siguro siya magagalit kung gusto kong makita kung paano ginagawa ang ating produkto." Nilibot ko ang aking mga mata at hindi ko mapigilan ang aking pagkamangha sa mga nakikita.

Lead Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon