Encounter
The cold wind blew at our direction. My loose hair were swaying with the wind while the tall grass dances.
I am still hoping that my father will move. I am hoping that he is still alive. I am hoping that this is just a prank.
But it is not.
He's dead. He's not moving nor breathing. But his eyes are still looking at me.
"Papa..." I called. Wala na akong lakas para magsalita pa.
I'll take it from here. You should rest.
Pinikit ko ang kanyang mga mata gamit ang aking mga kamay. Hindi na ganoon kainit ang kanyang katawan at mas lalo lamang akong naiyak nang maisip ko kung ano ang kalagayan namin ngayon.
"Monica let's go," sambit ni Helga habang pinapatayo ako.
Umawang ang aking labi nang makita ko ang mga lalaking kanina ay armado ngunit ngayon ay nakahiga na rin sa damuhan at mga walang malay. Kahit ang bumaril sa aking ama ay duguan na ring nakalatay sa damuhan. Si Carter at Helga ay sugatan rin. Si Carter ay may tama sa kanyang kaliwang binti ngunit matatag pa ring nakatayo habang si Helga ay may daplis ng bala sa kanyang braso ngunit nakita kong may sugat din ito sa kanyang tagiliran.
"My father. Papa..." I am really out of words.
"Kailangan na nating umalis ngayon dahil hindi natin sigurado kung may susunod pa sa mga ito!" Hinihinila ako ni Helga ngunit hindi ako kumibo. Malakas pa rin siya kahit sugatan na.
"No. Papa. He's dead." Bulong ko. Nauutal at nanginginig ang aking mga labi.
"Signorina, hindi tayo pwedeng magtagal dito. Hindi ka pa ligtas." Sabat ni Carter nang makalapit ito.
"Hindi natin pwedeng iwan si Papa dito," pumiyok pa ako nang binanggit ko ang Papa.
"Wala na tayong oras, Signorina! Babalikan ko ang Signor kapag nasigurado ko nang ligtas ka!" Sigaw ni Carter at hilahin ang aking braso palapit sa sasakyan.
"Papa! Hindi siya pwedeng maiwan dito! Papa!" Sigaw ko. Ngunit hindi nila ako pinakinggan.
Pumipigwas ako para hindi makapasok sa sasakyan. Ang ilang parte nito ay may tama na ng bala at dalawang bintana ang basag na ang salamin.
"Papa!" I cried.
"Signorina please!" Pagmamakaawa ni Carter.
Hindi ko na napigilan ang aking pagiyak nang maalala ang aking Papa. Hindi ko matanggap na patay na siya ngayon. Walang awang pinatay ng kung sino mang lalaking iyon.
"Papa is dead," sambit ko sa namamaos na tono. Niyakap ko si Carter dahil wala na akong makapitan sa ngayon.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinapit niya ngayon.
"Alam ko, Signorina. Kasalanan ko iyon dahil hindi ko siya naprotektahan. At hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon sayo kaya gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka." Mahinahong sambit ni Carter habang marahang hinahaplos ang aking likod.
"Pinatay nila si Papa ng walang laban," bulong ko habang sinisiksik ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"Tahan na, Monica. Kailangan na nating umalis dito." Narinig kong sambit naman ni Helga.
"Pinapangako ko na poprotektahan kita, Monica. Kahit isaalang-alang ko pa ang buhay ko... maligtas ka lamang." Ani Carter na lalong nagpaluha sa akin.
May mga taong gagawin ang lahat para sa akin. Para maligtas ang buhay ko. Para mapunan ang mga pangangailangan ko. Kahit buhay nila ang kapalit ay wala silang pakialam. Ang importante lamang ay mabuhay ako. Ngunit ako, ano na ang nagawa ko para sa mga taong ito? Ano na ang naibalik ko sa mga utang na loob ko sa kanila? Wala pa akong nagagawang maganda para sa kanila ngunit gagawin pa rin nila ang lahat para sa akin.

BINABASA MO ANG
Lead Me To You
General FictionMonica, a young heiress of Carluccio's; a wine company, always feel that there is a dagger behind her while walking. Others see her as a jackpot prize for abduction. As she grow older, her life is always in danger. Surrounding by people that she ca...