Meaningless

29 1 0
                                    

"CHLOE."
Tawag sa kanya ni Alice pero hindi niya inaalis ang atensyon niya sa binabasang lecture. Nasa garden kasi sila ng University nila at kasalukuyang nag-aaral for the finals. Need kasi ni Chloey na mag double time sa pagre-review dahil matatanggalan siya ng scholar kapag may back subject siya.

Nang hindi niya pa din pinansin ang kaibigan niya ay iniharang nito ang kamay sa ibabaw ng book na hawak niya.

"Ano yun?" Nanlalaking mata na sabi niya sa kaibigan.

Ngumisi lang ito sa kanya sabay nguso sa may di kalayuan na bench sa kanan.

"Future boyfriend mo nasa paligid lang."

Pagkasabi ni Alice ay awtomatikong napalingon siya. Hindi napigilan ni Chloey ang mapangiti nang makita kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.

Si Michael Bueno..

Classmate nila ang binata sa tatlong subjects nila. Hindi naman niya kinakaila kay Alice na matindi ang crush na nararamdaman niya dito. Actually, hindi naman siya mahilig sa mga crush na yan kahit noong high school siya hanggang sa mag college. Mas importante kasi para sa kanya na makapagtapos siya ng pag-aaral.

Pero iba ang nararamdaman niya ng unang araw na makita niya si Michael Bueno. Kung love at first sight ba ang tawag, walang siyang idea dahil hindi familiar ang feelings na yun para kay Chloey. But she really liked Michael so much. Ang problema lang para may sariling mundo lagi ang lalaki at puro pag-aaral lang ang ginagawa nito.

Ilang beses na din niyang sinubukan i-appraoch ang binata ngunit hindi pa din tumatalab kaya naman labis na tinutukso siya nina Alice at Nina. Unrequited love story daw ang mangyayari sa kanilamg dalawa ni Michael.

"Ano na naman ang gimik mo para pansinin kana ni UL mo?" Pang-aasar ni Nina sa kanya.

UL- unrequited love daw ang meaning non.

Napasimangot siya sa kaibigan. Nawawalan na siya ng ideya para lang mapansin siya ng binata. Nanghiram siya ng ballpen, nagpatulong sa math problems kahit alam naman niya ang sagot, nanghiram ng payong kahit hindi naman umuulan. Ano pa bang hindi niya nagagawa para lang mapansin siya ng bunata? Kung maghingi kaya siya ng piso dito?

"Alam mo Chloe, diretso mo na lang hingin yung number ni Michael wag kana magpaligoy pa." Suggestion ni Alice.

"Hatid mo na lang kaya sa bahay nila." Nakangising sabi ni Nina. "Matic kayo na non." Natatawang sabi nito.

Sa kanilang tatlong magkakaibigan kasi ay si Nina ang pilya. Sa loob ng isang taon nila sa college ay naka apat na boyfriend na ito. Katwirin ng huli ay gusto lang nila i-enjoy ang buhay pagkadalaga.

Malalim na nag-isip si Chloey. Kailangan niyang maging creative kung paano niya i-approach si Michael. Hindi dapat matapos ang araw na yun na walang movement sa kanila ng binata.

Bahala na..

"Uy tatayo na si ate girl."

Naghahagikgikan na sabi ng mga kaibigan niya.

Chloey just rolled her eyes. Wala talagang duda na kaibigan niya ang mga ito. Mga mapang-asar.

My Dear ChloeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon