MATAGAL na nag-inat si Chloey habang nakahiga ng mga oras na iyon. For the first time after the break up, ang sarap ng tulog niya. No dreams, no nightmares. Just a good night sleep.
Baka dahil sa kiss niyo ni Van?
Nakaramdam si Chloey nang pag-iinit ng pisngi. That kissed. Hindi niya maikakailang isa iyong memorable kiss niya sa buong buhay niya. Bakit nga ba hindi? Para siyang bida sa isang romantic movie na ang scene ay nasa romantic place habang hinahalikan ng bidang lalaki.
"Good morning,"
Agad na napabalikwas ng bangon si Chloey nang maring niya ang masiglang bati sa kanya ni Van. Tinignan niya ang binata na ngayon ay may hawak na isang tray habang papunta ito sa bed. Napalunok si Chloey. Bakit nga ba hindi? Naka sando lang si Van at naka boxer shorts. Halatang-halata ang magandang physique nito.
"Chloey, hindi ako ang breakfast mo kundi ito." natatawang sabi ng binata sabay lapag nang pagkain sa kama niya. "Breakfast in bed."
Umiwas nang tingin si Chloey sa binata. "G-good morning." naiilang na sabi niya sa binata.
Hindi niya maiwasan mailang. Bakit nga ba hindi? Isang passionate kiss ang pinagsaluhan nilang dalawa ni Van!
"You should eat then take a shower. We're going to our second destination." ani ni Van sa kanya.
Masuyong hinawakan ng binata ang kama niya. "Chloey, please don't feel awkward about what happened last nigh. That kissed was a memorable one, isn't?"
Tingnan niya ang binata sa sinabi nito. Nang tumango siya ay agad na hinalikan nito ang noo niya.
"I'll prepare our things." ani ng binata at agad na tumayo. "Enjoy your breakfast."
"How about you, Van? Kumain kana?" tanong niya sa pagitan nang pagnguya.
Itinaas nito ang coffee mug nito. "Coffee lang para ma maintain natin ang gandang katawan," ani ni Van sabay pakita ng muscles nito.
"What?" natatawang sabi niya dito.
Agad na tinapos ni Chloey ang breakfast niya para makapag prepare na siya nang mabilisan. Wala naman din silang masyadong gamit ni Van kaya madali silang nakapag-check out sa hotel kung saan sila nag stay nang isang gabi ng binata.
Ilang oras lang ay nasa byahe na silang dalawa sakay ng big bike nito. Hindi siya nagtanong kung saan ang second destination nila.
Chloey had a best time in her life.
Itinaas ni Chloey ang bisor sa helmet niya para maramdaman niya ang malamig na hangin habang nasa motor silang dalawa. Kung dati ay may nararamdaman pa siyang takot habang sakay ng motor ay iba na ngayon. She was enjoying this precious time with Van. Nagagawa na din nilang magtawanan at kwentuhan habang nagbbyahe.
Halos four hours din ang tinakbo nila para makarating sa Pagudpud. Bago sila mag hanap ng resort na pag-stay-an ay dumaan muna sila sa Patapat viaduct na sikat na attraction sa Ilocos Norte. They took a lot of pictures together.
After an hour sa paggagala sa Patapat ay doon na sila nag-decide ng binata na maghanap ng resort. They ended up staying at Evangeline's Resort.
Maganda ang resort na pinuntahan nila and very relaxing. Mabuti na lang at hindi masyadong maraming guests that day dahil na rin marahil ay weekdays sila nagpunta. Nang bandang hapon ay nag decide silang dalawa ni Van na tumambay sa dalampasigan. Gusto niyang ma witness ang sunset.
Habang nakaupo sila sa sand ay tinitigan ni Chloey ang papalubog na araw. Kalmada ang paghampas ng dagat sa dalampasigan. Parang kasing kalmado ng pakiramdam niya ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
My Dear Chloey
Romance"My Dear Chloey, This is my last letter to you. And I hope that I can totally accept the fact that you're already out of my life. That I can no longer love you even from where I am right now. I can no longer love you even in my dreams and it's brea...